Chapter 5: ID

1.7K 64 21
                                    


ID

Veronica

I had a terrible nightmare again. Nasa loob ako ng isang kwarto, mag isa at nasusunog.

"Okay ka lang?" tanong ni Bebang matapos akong bigyan ng pangpakalma.

"Okay na ako, kaya pwede kanang lumayo. Mas nakakatakot pa yang mukha mo," bahagya ko siyang tinulak kasi ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"Nagna nightmare kana naman lagi. Mag pray ka kasi bago matulog. Inu una mo lagi iyang anime mo pero sa prayer bagsak ka," pangaral na naman ni Bebang.

"Okay po, sister. Hiyang hiya naman ako sa'yo 'no?" sarap sabunutan.

"Mabuti pa magsimba nalang tayo kesa pumasok ka sa trabaho at mang trip na naman ng mga tauhan niyo. Masyado na yatang mahaba iyang sungay at buntot mo, Veronica."

"Ipagdasal mo nalang ako. May kailangan pa akong asikasuhin sa opisina. Isama mo si Manang Angge."

Bumangon na ako at nagpunta sa banyo. Hindi na inabalang pakinggan pa si Bebang.

Maliit pa ako kasa kasama ko na iyang bruhang 'yan kaya ganyan iyan ka confident. Ang nanay niya ang pinakamatagal na naming katulong, si Nanay Gwen. Tsaka, hindi talaga Bebang ang nickname niya. Ako lang naman ang nagpangalan sa kanya niyan. Eli ang tawag sa kanya kasi Elizabeth ang name niya pero masyadong sosyal para sa mukha niya kaya tinawag ko siyang Bebang.

Naligo ako at nakinig ng music na pangpakalma. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. I looked slim and my curves are the right size and proportion, malayo sa mataba at chubby kong katawan noong bata pa ako.

My face looks exactly the way I like it.

Ewan ko ba kung bakit kahit maganda kana, may napipintas parin iyong iba. Bahala sila.

After kong maligo, I was in mood for wearing fresh. So I wore a floral chiffon pastel dress. A maxi dress with arm sleeves but shows a little cleavage. Desenteng dalagang Pilipina na may kaunting landi, kung si Bebang ang tatanungin. Ang hanggang bewang kong itim na buhok, bin-low dry ko lang. Then I wore a beige wedge then I'm good.

"Anak, papasok ka ba sa opisina?" Mom greeted me at hinalikan ako sa pisngi matapos kong makababa sa hagdan. "You look so good with your dress. You look so fresh, "puri niya sa suot ko.

"Thanks, Mom, and yes papasok po ako. I'm not eating. Doon nalang po."

"But I prepared your meal. You can't skip your breakfast. Gusto mo baunin mo nalang. You can bring your smoothie?"

Ganyan ako ka mahal ni Mommy ,feeling niya, baby parin ako. Actually silang lahat dito sa bahay.

"Yung smoothie nalang, Mom."

"Okay wait . But promise me. Kakain ka ng breakfast at work?"

"Okay po,"sagot ko.

"Excited ka siguro kasi doon na nag oopisina ang fiance mo?" kinikilig pang sabi ni Mommy.

My parents, hindi naman maidedeny di ba? Gustong gusto talaga nila si Elijah.

"Don't be too obvious, Mom. I have to go!" I kissed her.

After kong nagpaalam kay Mommy nakahanda na si Manong Andoy sa sasakyan. Dad was still asleep kaya hindi na ako nag paalam.

"Good morning Ma'am!Maaga po tayo ngayon ah?"si Mang Andoy.

"May kailangan lang akong gawin, Manong."

Pagkatapos akong maihatid ni Manong dumeretso na agad ako sa opisina.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon