Chapter 30 : Waived

1.2K 39 8
                                        

Chapter Thirty

Veronica

Nasapo ko ang dibdib ko dahil bigla iyong bumigat pero bigla akong naalarma nang may kung anong tumunog sa labas at parang may boses na tumaas at parang nagtalo pero hindi ko maintindihan. Baka nag away na naman sila!

Huminga ako ng malalim at sinubukang tumayo. I refused to have an IV insertion dahil di ko naman iyon kailangan. It will only give excess load for my heart.

Paglabas ko iyon naman ang pagpasok ni Bebang mula roon.

" Bakit ka bumaba? Bed rest ka lang dapat!" saway niya pero sumilip ako sa living area, hindi pinansin ang sinabi niya. " Nasaan sila? Anong nangyari?"

Huminga siya ng malalim at nagkamot sa ulo. " Ikaw kasi masyado kang pasaway! Lumabas sila maguusap lang siguro."

" I heard noises. Baka mag away sila," alala kong sagot. Marcus is hot headed and aggressive and Elijah may be silent but cool but if provoke, he can be deadly. I saw how dangerous he can be that night when Marcus tried to touch me.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa bed. " Pumirmi ka kung ayaw mong mas lalong ma stress si Sir sayo."

Marcus, kakausap lang namin? What was he doing?

Tumunog ang cellphone ko at inabot iyon sa'kin ni Bebang. " Mommy mo."

I gathered enough air bago iyon sinagot. " Nica, sweetheart! God, I'm so worried anak, nasa ospital ka na naman daw? I just heard the news ngayon lang kay Andoy. Elijah isn't even here sa launching, anak. His  dad informed that he can't attend today because as soon as he landed ay lumipad rin kaagad pabalik riyan. Ano bang nangyari?"

" Mom I'm fine. I just had a minor burn."

" Minor burn from what? Sabi na kuryente ka raw? Totoo ba? You know that can't happen to your heart. Makakaapekto ang kuryente sa puso mo. Have you done EKG? 2D echo?MRI?" she breathed out to try to calm herself. " I must talk to your doctor."

My Mom is the epitome of calmness and grace. She doesn't freak out easily unless if she confirms that I'm really in grave danger.

"Mom, I can assure you I'm fine. The same as my EKG it won't be normal dahil sa sakit ko but it's still the same as before wala namang pinagbago," kumbinse ko sa kanya habang ang isip ko ay nakay Elijah at Marcus. Pa'nong nakabalik agad si Elijah after landing. By that time I'm sure papunta palang ako sa office. But how? Someone knows that I left the building?  Umuwi siya dito agad knowing that I just left? Ano kayang pinag usapan nila ni Marcus ngayon?

I heard Mom's sigh of relief. " I'm glad you're okay, anak."

" Mom I'm totally fine. Si dad?"

" He's just silent but you know how worried he is right now. You can't even talk to him now. Hindi ko na makausap ng matino ang daddy mo. Lagi silang nagkaka usap ng fiance mo na sila lang probably about business and he seems problematic, " she sighed. "That's why I don't want to be involved in business. Magkaka wrinkles lang ako."

" Just tell him I'm fine."

"Are you sure you're alright? Lilipad na kami riyan agad."

" No Mom, how about the launching?"

" Your Tito Gab is here and your Tita Sofia, they will take charge after all it's their project. Nandiyan ba si Elijah?"

" Yes Mom, nandito si Elijah. Be with Elijah's family Mom, samahan niyo nalang po sila diyan ni dad. Nakakahiya na na nandito ang anak nila at di sinipot ang grand launching dahil sa'kin. Let's pay them respect by staying there Mom. I'll be fine."

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon