Chapter 8 : Secret

1.9K 66 30
                                        


Secret

Veronica

It frustrates me dahil hindi umayon sa gusto ko ang plano ko yet I was relieved that I was still living beside Elijah. Technically we're still close.

He doesn't want me to invade his personal space I get that pero uunti untiin ko nalang siya.

Kaya I won't bother him for now kasi busy siya at sinusumpong pa. I will just bother him kung hindi ko na talaga kayang hindi siya makita.

What I need to do is to improve my cooking. I was so sick and tired inside the house sheltered in a cage na para bang hindi ako normal na tao. Although napagbibigyan ako nila mommy at daddy.

It's a good thing to live separately, I will just endure Bebang and Manang Angge's presence nalang since I can't go to work too.

Kakagaling ko lang sa convenience store para kunin ang number ni Chris. I texted him that I'd like him to teach me how to cook healthy choices and some of Elijah's favorite food since he was a chef.

He was more than willing to help pero sabi niya bukas pa siya available.

I wanted to shop to kill my boredom but dad froze three of my credit cards. I was left with one and if I max it out I'm not sure what will happen. I emptied my bank account dahil sa binayad ko sa limang empleyadong pinaalis ko.

Knowing the background of that girl was just enough for me now. There's not much that I need to know for now.

Saka nalang ulit ako magpapa imbestiga when something turns off.

"Wala ka bang plano ngayon, Veronica?"

Sa totoo lang, I got bored watching animes these days. May gusto ako but I don't think if these people with me will ever allow me to have it.

"Bebz, can I ask you a favor?" I asked while sitting in one of the mint green comfy sofa's of this unit. Good thing this was for sale amongst the unit in this floor at nataon pang katabi kay Elj. He made the right decision by buying this.

Nakaupo siya sa harap ko at nangunot na agad ang nuo. "Ano na naman 'yan?"

"Can I have a puppy?"

Napaangat ang mukha ng bruha mula sa tinitingnan na magazine, tumaas ang kilay. "Hindi mo nga maalagaan ang sarili mo puppy pa? Papagalitan ako. Ayoko. Alam mong bawal sa'yo yun."

"Sige na please..."I pleaded at nag puppy eyes. "Hindi naman nila malalaman."

"Manang oh si Nica, gusto daw ng puppy," sumbong niya kay Manang Angge na may niluluto sa kitchen.

"Gusto mo ba kaming mawalan ng trabaho?" sagot ni Manang. "Hindi pwede,"matigas niyang tanggi.

"Dad told me when I left na bahala na daw ako so I can decide for myself kung ano ang gusto ko,"giit ko habang nakaharap sa phone. I opened an online pet shop at naghanap ng aso.

"Bawal nga sa'yo tsaka nasa kabila lang si Sir Elijah, pagagalitan kami nun,"si Bebang.

"Hindi naman siguro yun papasok dito."

"Huwag kang pakakasiguro,"sabi ni Manang, napaangat ako at kitang kita ko ang makahulugan nilang tinginan ni Bebang.

"Kasi isusumbong niyo ako, ganun?" my voice trailed off.

Bumuntong hininga si Manang bago iniwan ang ginagawa at tumabi kay Bebang sa mahabang sofa. "Mahina ang baga at puso mo, 'Nak. Hindi pwede. Di ba pinag usapan niyo na yan ng daddy mo?"

"Pero meron namang hypoallergenic dogs pwede sila sakin," frustrated kong sagot.

"That can be a risk sabi ng doctor mo. Kahit hypoallergenic naglalagas parin balahibo nila. Tsaka ayokong makagat magka rabies pa ako," ang malditang si Bebang.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon