Gay
"No!No!Ayoko!Ayoko please nagmamakaawa ako!" I was begging and clutched tightly on my chest dahil pakiramdam ko ang hirap hirap nang huminga. Naglakad ako para habulin siya but I was already struggling to breathe. I don't think I would make it this time. Hindi ko na kakayanin but I tried to fight back.
I tried and tried na tumayo kahit sobrang hirap hanggang sa naimulat ko ang mga mata ko. I was indeed struggling to breath and realized I was trembling and crying from that terrible nightmare.
Epekto yata 'to sa kakapanood ko ng mga death gods pero hindi. I often have nightmares.
This time it felt more surreal than the last. Pakiramdam ko totoong totoo.
Napahawak ako sa dibdib ko at sinikap kong bumangon kahit hapong hapo ako. Hinanap ko si Elijah sa tabi ko pero wala na siya. Kinuha ko si Mochi at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.
I have no one else now except him.
I hugged him until I had calmed myself. Ito ang dahilan kung bakit lagi akong may katabing matulog. I always have a terrible dream and I always end up waking up gasping for air at kung minsan hirap na hirap na huminga.
Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa unti unti nang bumalik sa normal ang paghinga ko at nawala na ang panginginig ng kamay ko.
Nagdesisyon na akong bumangon kasi sa sobrang uhaw. The room was still dark pero six thirty na ng umaga nang tingnan ko ang digital clock sa side table ni Elijah. He must be outside. Baka naghahanda na siyang pumasok.
When I turned on the switch I smiled when I saw the glass of water on top of the side table.
He already knew I needed one.
I drank the water at pumasok ako sandali sa banyo para tingnan ang mukha ko. I looked terrible with my messy hair at pawis na pawis ako. Naghilamos muna ako sandali at nag ayos tapos dahan dahan kong tinungo ang pinto ng kwarto niya para buksan.
I was ready to flash my cute morning look pero narinig ko agad ang boses ni Daddy bago ko pa iyon tuluyang mabuksan.
"Alam kong marami na akong pabor na hiningi sa'yo hijo pero wala akong ibang pinagkakatiwalaan sa board ng SDMC as the CEO kundi ikaw. Gusto kong bumaba at gawin kang head ng board. Now that you're here you will be the new chairman. Alam kong may kompanya ka rin at malaki ang responsibilidad mo doon pero kailangan ka ng kompanya. Lalo na ngayong lumalala ang katiwalian sa loob. If it wasn't for you hindi ko malalaman na ang mismong kapatid at bayaw ko ang gumagawa nito sa'kin. Baka kung magpatuloy ang mga gawain nila'y malaki ang tsansang babagsak ang kompanya sa mga susunod na taon. Kung papayag ka ipapasaayos ko na ang mga papeles ngayon kay Attorney Golez."
"Pasensiya na Tito but it wouldn't be fair for some of the board members na gawin mo akong chairman ng kompanya. I hold only ten percent of the share. Papayag lang ako kung ibebenta niyo sa'kin ang forty percent ng kompanya. My offer still stands. I am willing to pay."
Napabuntong hininga si Daddy."Pasensiya kana kung tinanggihan ko ang alok mo noon. Sa totoo lang, I gave you only ten percent because I was testing you. I already know that you're a great businessman, Elijah. Nakita ko kung gaano ka kabilis na umangat at kung gaano kalaki ang naipalago mo sa napaikling panahon. At higit sa lahat kaibigan at kilala ko ang daddy mo. Hindi ko muna ibenenta sa'yo ang malaking share na gusto mo dahil gusto kong makita kung ano ang totoong interes mo sa kompanya. This is not just a company Elijah, this is a legacy na iniwan pa sa'kin ng pamilya ko. Gusto ko ng taong totoong may malasakit sa kompanya at masaya akong makitang maipagkakatiwala ko ito sa'yo ngayon. There is no need for formalities now, hijo, dahil kusa ko nang ibibigay sa'yo ang forty percent share ng kompanya. Ang hinihingi ko lang ngayon ay ikaw na ang magpalakad nito. You don't have to worry about paying in acquiring the share. Consider it as my advance wedding gift dahil papakasalan mo ang anak ko. You will soon be family."
BINABASA MO ANG
VERONICA (Montero Series # 4)
General FictionWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Elijah Mathias Montero's Story) Not your ordinary villain story I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
