Chapter 25: Plan

1.7K 49 12
                                    

Chapter 25

Veronica

"Where do you want me to start, Ma'am?" asked the woman na kinatagpo ko dito sa ladies CR sa lounge area ng condo. If there were people looking out for me at least hindi sila maghihinala. I'll just have to deal with Elijah later in case malaman na naman niyang lumabas ako.

"Umpisahan mo kung anong dapat umpisahan dahil wala akong mahabang oras para mag-aksaya. And that should better be good! Kundi ay ipapasetante kita sa agency niyo!" I haven't touched my trust fund but I have to para makagalaw dahil sobrang hirap sa sitwasyon ko. I don't care if maubos pa iyon as long as I will get answers.

" Veronica Lastimosa, legit po na may birth certificate sa ganyang pangalan pero late na po ang registration. Kung 26 na po siya ngayon it was registered when she was 18 years old. We were only able to tract her records from that year onwards as Veronica Lastimosa. Hindi na siya nag aaral sa mga panahong 'yan at nagsimula nang magtrabaho bilang promo girl sa isang car company, naging part time model, nagtrabaho bilang fast food crew, naging waitress sa ibat ibang bar. Yung about sa rumors na naging escort siya, inaalam pa po namin at kumakalap pa po kami ng ebidensiya kasi wala po kaming mahanap, only speculation. Yung fast food na sabi niyo, totoong nagtrabaho siya doon, at iyong Elite na men's club. Isang taon na siyang nagtatrabaho sa Elite Men's club ayon sa record niya sa resume. Pero nang magtanong tanong ang asset namin, wala gaanoong nakakakilala sa kanya, may nagsabing hindi pa siya ganoon katagal around four to five months."

" Four to five months? Can you give me an exact date? Hindi ko kayo binayaran para bigyan ako ng ganyang sagot!" Something was already in my mind. That woman!

" Nakausap po namin ang namamahala ng club. Totoong isang taon na po daw siya pero iba po ang sinasabi ng mga kasamahan niya. Kaya iyon pa ang inaalam namin. At may nailink po kaming pangalan sa mga pinaimbestigayan niyo na nag mamay ari ng club. Anak po ng isa sa mga board members ng kompanya niyo, si Hades Velez, anak ni Dionisio Velez."

Isa isa kong pina imbestigahan ang mga board members. I knew if not all of them some ay may sekretong inggit o galit kay Elijah or maybe kay dad. Hindi ko pa alam. Sempre hindi iyon ganun kadali dahil may mga kanya kanya silang bodyguards. We run a very very huge company not just here in the Philippines kundi sa Asia. Everyone is vying for Elijah's position, maraming ayaw sa naging desisyon ni Dad. Elijah's just too focus at work na hindi niya napagtutuonan nang pansin ang mga possibleng kalaban niya. Pero hindi ko rin alam iyon. Elijah never shared a glimps of his work from me.

Inisa isa ng babae ang mga nakalap niyang report sa mga board, nothing that could stir a suspicion. Pero kung magaling lang silang magtago, na anticipate ko na iyon. I already have eyes and ears from the company. I couldn't just be stuck inside my bed na iniisip na hindi lang ang kompanya ang nanganganib kundi pamilya ko ang ang taong mahal na mahal ko.

My only frustration is I don't know where that woman is coming from? I needed to know her evil motives, to stop her.

A link to Dionisio Velez? But everyone is entitled to own a bar, pwedeng nagkataon na gusto lang nang anak niyang magpatayo ng bar? Kung isang taon nang nagtatrabaho ang babaeng iyon doon? There must be something off kung iba iba ang sinasabi ng mga kasama niya. Malakas ang kutob kong may sumusupurta sa kanya, to be able to execute her sick plan? She wasn't working alone.

What even worries me is the fact that woman even knew what I did to Kayden. May alam ba siya sa totoong nangyari? O baka kasabwat niya ang mga babaeng iyon? I needed to personally go to that club para makita ang mga babaeng iyon. I can't just stay here. For this matter, I will take care of it. I don't care about that bitch Fia pero ayokong madamay dito si Kayden.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon