Chapter 34: Obsessed

897 21 6
                                    

Hi, sorry for the long wait!

Chapter Thirty Four

[Elijah's POV]

I have thought about this for the nth time. Hindi ko na napagtutuonan ng pansin ang tungkol kay Veronica Lastimosa sa dami ng inaalala ko ngayon tungkol sa kalagayan ni Nica, ang kalusugan niya, kung pa'no ko siya makukumbinse na bawiin ang pinirmahan niya, to take the chance na maoperahan at maexperience ang buhay na dapat ay sa kanya. At nitong huli ang daming problema sa kompanya. I have to wrestle against my responsibility for the company para mas matutukan ko siya and I have no other choice but to be honest with her dad.

I've been wanting to confront Tito Lucio about this pero inaalala kong kailangan kong maging sigurado. I've never made confrontations na wala akong naging ebidensiya pero kailangan ko ba iyon ngayon kung kapakanan na ni Nica ang pinag uusapan?

Hindi man namin napag uusapan ang totoong nararamdaman ko noon kay Nica at intensiyon ko sa kanya. Wala akong narinig kay Tito Lucio. He had me favored for everything lalong lalo na ang ipagkatiwala ang kaisa isa niyang anak sa'kin.

I want you two to get married as soon as possible.

Tito Lucio was already expecting me nang pumasok ako sa opisina niya. He was  seated at the living space of his office with a whiskey on top of the center table. I had called him earlier that I have something to say at alam kong ini expect niyang tungkol ito sa kompanya. 

I greeted him with the polite hand honoring gesture.

"Son, maupo ka," he gestured the seat in front of him.

He dismissed his secretary and offered me a glass of liquor. Out of courtesy tinanggap ko iyon pero alam kong alam ni Tito na hindi ako mahilig uminom.

He heaved out. "What brings you here? Is it about the company?You have an update kung sinasadya nga ito?"

Pumunta ako ritong buo ang loob ko. I don't even think I can keep this to Nica's own father lalo na at pinagkakatiwalaan niya ako. Kung maging masama man ang pagtanggap ni Tito rito tatanggapin ko, at susubukan kong magmakaawa para matanggap niya ako. I don't want to let Nica go.

"Alam kong maraming may ayaw sa pagkakaloklok ko bilang chairman, Tito lalo na si Dionicio Velez at Alex Ferguson, even Marcus and his Dad at ilan pang board but I couldn't associate any of them sabotage to the company sa pag papaimbestiga ko," I heaved out. "May itatanong lang po sana ako tungkol kay Tito Daniel. He had always favored your decisions even my own decisions about the company. I know he's a good friend pero noon pa po ba ninyo siya kilala bago kayo kinasal ni Tita Elena?"

Sandaling natigilin si Tito na parang nag iisip bago ako nagtatatakang tinitigan.

"I don't remember meeting him before that. Nagkakilala na kami later on when I was already married. He showed interest in the company lalo na sa petrol business natin. He's been a loyal board member eversince at wala naman kaming naging problema." Tiningnan muli akong may pagtataka ni Tito. " What is it Elijah? May kinalaman ba si Daniel sa mga nangyayaring pagsulot sa mga projects natin?"

I shook my head. " Wala akong ebidensiya at hindi ko rin gustong pagbintangan si Tito Daniel pero may babaeng ilang ulit niyang nabisita sa mga nakalipas na taon sa isang psychiatric hospital. There were no logs that he visited the hospital pero may roong footage na nakalap ang pinaimbestigahan ko na nagkompirma na si Tito Daniel nga iyon."

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon