HINDI ko alam kung paano ako nakauwi pero nakita ko na lamang ang sarili ko sa harap ng condo unit. Ang alam ko lang ay sumakay ako ng taxi kahit pa panay sulyap sakin yung driver dahil hindi na ako nagabala pa na ibahin ang boses ko at isuot ang aviators. Mabuti na lang at mukhang napansin nito na nasa malayo ang isip ko.
Pagpasok ko ng condo ay nakita kong tuloy pa din sa paglalaro ang dalawa ngunit may hawak na cellphone si Leila at mukhang may kausap dahil panay ang sulyap nya don.
Lumipat ang tingin nila sakin ng isara ko ang pinto. Umawang ang bibig ni Josiah at mabilis na sinalubong ako ng yakap.
"Mommy!!"
Lumuhod ako at niyakap din ito ng mahigpit.
"Hi baby! Nagenjoy ba kayo ni Ninang Leila today?"
Ngumuso ito at bumaling kay Leila na kemeng tumawa lang. Nagtaka naman ako.
"Ninang's Sinigang almost kill me to death."
Natawa naman ako at tumingin kay Leila na masama na ang tingin sakin.
"Grabe ka sakin, baby boy!"
"But it's true!"
Biglang tumakbo si Josiah patungo sa loob ng dining area at lumabas na hawak na ang lagayan ng buckets of chicken joy at iniharap ito sakin.
"Chicken joy save my life. It's taste so much much better than Ninang's Sinigang."
Mas lalo akong natawa at napahawak pa sa tyan ko. Inirapan naman ako ni Leila at biglang tumayo.
"Dyan na nga kayong mag-ina! Pinagtutulungan nyo na ko eh."
Kinuha nito ang bag nya sa ibabaw ng couch at lumapit kay Josiah na nakangisi pa habang pinagmamasdan ang Ninang nya. Kahit nakasimangot ay hinalikan pa rin nito ang bata sa pisngi bago bumaling sakin.
"May date ako mamaya, buti maaga ka nakabalik." Bumeso ako dito at inilingan sya. "Babush na sainyong mag-ina."
"Magingat ka dyan sa ka-date mo, Lei."
Hindi na ako nagulat na may bago na naman syang kinikitang lalaki. Pero ayos na din yon dahil yung nakaraang boyfriend nya ay sobrang babaero.
"Sya ang mag ingat sakin."
Kumindat pa ito kaya natawa ako at pinagmasdan syang lumabas ng condo.
"Mommy? Where's my pasalubong?"
Binuhat ko ito para maiupo sya sa aking kandungan. Humarap ito sakin.
"Someone will deliver it on the lobby, Kuya Arman will get it."
Tumango naman ito ay yumakap sakin. Napangiti ako at hinalikan ang noo nito ng matagal habang yakap sya sa bisig ko.
"Are you hungry na ba? Do yo want to eat early dinner?" Sinilip ko ito.
"Sige pow!"
Napangiti ako at dahan-dahan na ibinaba ito sa carpet at hinayaan na maglaro ito don. Maya-maya pa siguro darating yung delivery. Magluluto muna ako para makakain na kaming mag-ina. Siguradong hindi na ito makakakain kapag dumating na yung bagong laruan nya.
"Stay there, wag pong maglilikot."
Bago pumasok sa kusina ay kinapa ko muna ang likod nito dahil baka mamaya ay pawis na ngunit may bimpo na nakalapat don. Si Leila siguro ang naglagay dahil talagang pawisin ang batang ito.
Nagluto lang ako ng bicol express para sa hapunan namin. Hindi ako mahilig kumain ng mga spicy food pero dahil kinahiligan na ni Josiah ang mga ganong pagkain ay napapakain na din ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...