"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ,Miss Alaenna Sandoval? Parang kahapon lang mukhang Malata ka. Ilang cobra ba yung tinira mo?"
Tumawa naman ako at inirapan sya. "Gaga. Wala lang talaga akong mood kahapon." Sagot ko na lang sa kanya.
"Asusssss!! Siguro bati na kayo ni Bebe Ivan mo ano?! Kaya todo ngiti ka dyan!" Sinundot-sundot pa nya ang tagiliran ko kaya nahampas ko naman sya sa braso at Tumawa. "Tumigil ka nga. Para kang sira dyan." Saway ko sa kanya.
Kinuha ko agad ang cellphone kong sandali ko lang na binitinawan ng tumunog ito tanda na may nag-text. Napangiti naman ako at bahagyang kinilig sa mga text ni Jace sakin. Ang harot talaga ng lalaking yon.
"Uyyyy! Sinong katext mo? Bebe Ivan again? Bongga na talaga ang Love life mo."
Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Liza!
Sinugod ako ni Bruha dito sa bahay. Nagulat pa nga ako dahil tulog pa ako non at nagising sa lakas ng kurot nya sa akin. Ang aga aga mang-bulabog.
No choice naman ako at bumangon tapos nag'ayos ng sarili matapos maligo. Tinanong ko kung bakit naisip nyang mambulabog dito sa bahay. Wala daw kasi syang magawa sa Bahay since wala ang mga magulang nya at kasama si Liam.
Ngayon ay nandito kami sa may bakuran. Nilagay ko yung Lamisita namin at dalawang upuan. Naglabas na din ako ng Nilagang Mani para may makain naman kami. Hindi naman ako binulabog ni Tiyang o ni Ana dahil tinapos ko na lahat ng Gawain ko bago ako Nakipag-chikahan dito kay Liza. Para wala na silang masabi pa.
"Oo! Kaya tumahimik ka na dyan!"
"Ayown!! Kaya pala masayang masaya ang Lola mo! Text text na ang awrahan nyo ah."
Matapos kasi naming magkabati kahapon ay dinala nya ako sa kwek-kwek'an ni Mang Junior. At nalaman ko din na sya pala yung nakaiwan nung kwek-kwek sa harap ng gate namin. Talagang nakita nya kami ni Calix.
Nagpalitan kami ng number bago ako pumasok sa bahay. At hindi ko naman maiwasang kiligin dahil talagang nag'abala pa syang dalhan ako ng kwek-kwek.
"Sumadya pa talaga ako sa inyo para ibigay yon sa iyo. Kasi ang sabi mo ay Favorite mo yon. Ikaw agad naalala ko. Wrong timing lang ako at naabutan ko kayo nung Lalaking yon. Pero okay naman na ngayon. Basta Akin ka! Magiging okay ang lahat."
Pigil na napatili na naman ako. Hindi ko kasi talaga makalimutan eh. Kaya sa tuwing naaalala ko ay Hindi ko maiwasang kiligin.
Binuksan ko naman ang latest na message nya sa akin.
Jace:
Sabay tayo kumain mamaya ah? Meryenda.
Ako:
Sige ba.
Siguro ay napapansin nyo na wala kaming pasok ngayon dahil nagawa pa naming kumain ng Mani ni Liza. Well, May pasok naman pero Half Day nga lang. Mamayang 12:00 pa ang pasok. May meeting na naman kasi ang mga teachers tungkol sa Intrams.
Jace:
Susunduin kita dyan mamaya. Sabay tayong pumasok?
"Halaaa! Tayo na lang ang mag-sabay. Wala akong makakasabay mamaya."
Napapitlag naman ako sa gulat ng biglang magsalita si Liza -Na katabi ko na pala at tutok na tutok sa Cellphone ko. Agad ko naman itong binaba at tinago. Mukhang nakibasa din si Bruha.
"Oo na! Oo na!" Tinuro ko ang upuan na nasa harap ko. Kung saan sya nakaupo kanina. "Bumalik ka na sa upuan mo." Sumunod naman sya at ngumuso.
Tinaas ko ulit ang Cellphone ko at muling binasa ang panibagong mensahe ni Jace.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...