*Time check: 3:10*"Class Dismissed"
Napapahikab ako habang nagiinat pa. Ayoko talaga ng subject about sa History. Nakakantok pero magsisipag para makatapos. Nahihiya naman ako sa Lalaking katabi ko na nakayuko na sa desk at tulog na tulog na. Sinasabi ko sa inyo ang Sarap matulog ng busog. Kaya ayan! Dahil sa Limang mangkok na Lugaw! Nakatulog.
Kinalabit ko naman sya dahil uwian na. "Gumising ka na! Uwian na oh!" Inalog alog ko pa sya dahil mukhang tulog mantika yata itong Lalaking ito. "Hoy gising na!" Umungot lang ito sa lakas ng Boses ko. Natawa na lang ako ng kukurap-kurap pa ito tska uminat.
"Uwian na pala!" Nakangiting sabi nya sakin. "Oo kaya uuwi na ko! Bye!" Kinuha ko na ang Bag ko. Aalis na sana ako ng hatakin nito ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Hatid na kita pauwi." Sunod sunod naman akong umiling kaya kumunot ang noo nyo. Ang Oa ko don!
"Wag na! Kaya ko umuwi mag'isa." Sagot ko at hinawi ang kamay nya sakin. At umalis na ng mabilis. Baka maabutan ako eh.
"Sige na kasi! Sasamahan na kitang umuwi." Umiling lang ako sa kanya. Ang kulit ah. Ayokong makita ni Tiyang na magkasama kami ni Jace. Naalala ko na naman yung sinabi nya.
"Ako na lang sabi." Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Madiin kong sabi sa kanya. Baka sakaling tablan sya.
"Ganto na lang. Bayad mo na lang sa kanina." Napatigil naman ako sa kanya. Pababa na kami ng hagdan patungong ikalawang palapag.
"Akala ko ba libre? Eh bat may bayad? Sana pala Hindi mo na lang ako nilibre." Inirapan ko sya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nasa hagdan na kami pababa ng Higitin nya ko paharap sa kanya.
"Sige na. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ko." Matiim itong nakatitig sakin. Nagkatitigan kami ng ilang minuto. Mukhang Hindi sya papatalo.
"Ngayon lang." Ngumiti naman sya ng matagumpay. Abnormal talaga ang Lalaking ito plus bipolar pa.
"Tara na!" Hinawakan na naman nito ang kamay ko. Pangalawa na ito ah. Namihasa na yata sya. Tsk.
TUMIGIL kami sa paglalakad at huminto mismo sa paradahan nya ng pedicab. Wait? Bat ba naglakad lang kami eh may pedicab nga pala sya.
Sa ilang oras na paglalakad ay hawak nya lang ang kamay ko. Hindi naman ako umayaw dahil mukhang nagustuhan ko din. Napailing na lang ako. Why so honest Alae?
"Dito na lang. Salamat sa paghatid sakin."
"Bukas ulit ah?" Tumaas naman ang kilay ko. "Joke lang!" Tawa tawa nyang sabi. Umiling na lang ako.
"Pasok na ko." Tumango lang sya. "Ingat ka pauwi." Sambit ko.
Papasok na sana ako ng gate ng magsalita sya. Tatlong words lang yon. Pero mabilis na namang tumibok ang puso ko.
"Gustong gusto kita."
********
"GLORIA halika ka nga muna dito at bumili ka ng Karne sa palengke! Don kila Belen ah. Mura pero maganda ang kalidad ng mga karne don. Sabihin mo na lang na ako ang nagpabili sayo."
"Ryan! Yung inutos ko sayo ah! Magpadeliver ka na ng Softdrinks. At bumili ka na din ng ice cubes. Bilisan mo!"
"Sige po!"
"Ruby? Yung mga inbitasyon ah. Pakibigay na lang. At mapabilis na."
"Ako ng bahala dyan."
"Mario yung tarpaulin ni Ana paki-handa na ah."
"Naka-ayos na Esme."
"Alaenna! Bumili ka na ng mga Gulay kila Aling Nena. Ito ang listahan ng mga Gulay na bibilhin mo. Nakalagay na din dyan kung ilang kilo. Alam mo naman na kung saan naka-pwesto si Nena. Bilisan mo na at maliligo lang ako."

BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romantik[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...