Ivan/Jace POV"Bilisan nyo na! May Sikwentang sako pa sa loob! Malalagot tayo kay Boss nito."
Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktag na dahil nakailang sako na rin ang nabuhat ko ngayon araw. Nakakapagod dahil kakagaling ko lang sa eskwela, pero kailangan eh. Mamatay kami sa gutom ni Jack kung hindi ako magtatrabaho kahit matagal ko ng ginagawa ito parang bago pa rin yung pagod lalo na't galing pa ako sa eskwela. Naglalakad lang ako patungo sa school na tatlong kanto ang layo mula sa bahay namin.
Gusto ko 'mang sugudin ang tatay ko sa pamilya nya pero hindi ko magawa dahil kahit papaano ay Ama ko pa rin sya at nangako ako kay nanay na hindi ako magtatanim ng galit sa tatay ko. Hindi ko ba alam don sa tatay ko, nagawa nya pang anakan ang Nanay ko bago nya kami iwan.
Five years old na ang kapatid kong si Jack at pag ganitong nasa trabaho o eskwela ako ay si Aling Nena ang nag-aalaga sa kanya.
Kapitbahay lang namin si Aling Nena, mabuti nga at pumapayag ito na sa kanya ko iwan si Jack dahil hindi ko naman kasi kayang dalhin si Jack sa school o trabaho dahil bawal kaya wala akong choice.
"Oy Pre?! Uwi na tayo. Bukas na daw natin ituloy aalis daw si Aloy eh. Inom tayo!"
Napangisi na lang ako tska umiling. "Bawal eh May idideliver akong gulay sa palengke bukas. Alam mo naman."
Iyon ang kapalit ng pagbabantay ni Aling Nena kay Jack. Kabuhayan kasi ni Aling Nena ang pagtitinda ng gulay sa palengke at tuwing sabado ay tumutulong ako sa kanya sa pamamagitan ng pag aangkat ng gulay sa kabilang bayan para maibenta ni Aling Nena. Malaki kasi ang kita tuwing sabado o linggo.
"May gagawin ako bukas eh. Sa susunod na lang. Sige aalis na ako."
Sinuot ko na ang pantaas ko na kanina ko pa hinubad dahil mainit pag nagbubuhat nang sako ng bigas. Sinukbit ko na ang bag ko at umalis na.
***
"ALING NENA salamat po ah? Bukas po maaga ako gigising. Salamat ho ulit."
Ngumiti ako dito tska kinuha ang kapatid kong tulog na tulog na. Alas nuebe na rin kasi eh.
"Walang anuman. Napagod yata talaga iyang kapatid mo. O sya, bukas na lang ulit."
Nagpaalam ulit ako bago umalis tuluyang umalis. Dinala ko na agad si Jack sa kwarto bago ako dumeritso sa banyo para maligo. Lagkit na lagkit ako eh.
Binuksan ko na ang gripo tska sumalok ng tubig gamit ang tabo na mas matanda pa saken bago unti-unti ko itong binuhos sa katawan ko. Sa katahimikan ay naalala ko ulit ang nangyari kanina.
"Takbo!!! Nandyan na yung mga security!!"
Para kaming tangang mabilis na tumatakbo dahil sa nangyari kanina sa rooftop. Langya naman kasi yung grupo nila Eric at Felix eh. Napuruhan ako pero hindi naman malala at sanay naman na ako.
Mabilis kong sinukbit ang bag ko tska mabilis na tumakbo kasabay sila Lucas. Si Xaiden ay may mga galos din dahil napuruhan din sya ng mga tar*ntado na iyon.
"Sige pasok na ako. Kita na lang tayo mamaya!"
Lumiko ako at tska sinipa ang pinto dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga tao sa loob. Tiningnan ko ang pinto kung 10-Edison ba talaga ang napasukan ko. Baka mag eskandalo pa ako kung hindi. Paniguradong unang araw pa lang ng klase sikat na agad ako sa school.
"I think you are Mr. Villafuerte. Please.Sit.Down -or else ako mismo ang mag-uupo sayo? You won't like it." Matapang na sabi ng teacher na nakatayo na ngayon habang nakataas pa ang kilay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/161799203-288-k698894.jpg)
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...