"Mas lalo naman yan Liza?!"Nakakailang paikot na ako ng mata dahil sa mga nilalabas na dress ni Liza sa Bag nyang puro damit ang nakalagay. Sino ba naman ang Hindi mapapaiirap kung puro sexy na damit ang pinapasuot nya sa akin?
Kung Hindi off shoulder ay Halos makita naman ang cleavage ko. May Ipagmamalaki naman kasi talaga and dibdib ko. Anyways yung iba naman ay Backless, Tapos hanggang Kalahati lang ng hita ko ang natatakpan.
Nakakailang pakita na sya sa akin ng mga Dress pero wala dito ang gusto ko at komportable ako. Kahit namang gusto kong mag-improve ang pananamit ko ay mas pipiliin ko pa ding maging disente.
"Bagay naman sayo ito ah?! Ang Sexy kaya." Winagayway nya sa harap ko ang isang Lacy White Off shoulder Dress na low neckline kaya sure akong kitang kita don ang dibdib ko.
"Tska kanina pa tayo naghahanap ng pwede mong masuot pero lahat naman yata ayaw mo." Naupo na lang ito sa tabi ko at binitawan yung Makasalanang Dress.
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Ala-siyete na ng gabi at susuduin naman daw sya ni Tita Lorna. Kaya ayos lang na magpagabi.
Tinext nya ako na pupunta sya dito, para nga ipakita yung mga damit na gusto nyang ipasuot sa akin.Hindi ko kasi sya naabutan kanina sa paguwi. Kaya magisa na lang akong umuwi.
Pinaalam ko naman yon kay Jace nung nakauwi na ako. Tulad nga ng bilin nya ay mag-text ako pag nakauwi na ako. Ginawa ko naman dahil Baka totohanin nya yung sinabi nya na pupunta sya dito.
"Sana pala ay Hindi na ako sumama para magpractice kanina. Wala ka tuloy kasabay. Pano pag napano ka? Hindi na matutuloy ang Kasal natin."
Todo kilig naman ako sa mga banat nya sa akin. Hindi ko talagang maiwasang mapangiti. "Hindi pa nga kita sinasagot, Kasal na agad ang nasa isip mo." Relpy ko sa kanya at agad naman syang nagreply ng..
"Pasasaan pa't sasagutin mo din naman ako. Alam ko namang Hindi mo ako kayang tiisin."
Ang lakas talaga ng confidence nya na sasagutin ko sya. Ganon ba talaga kahalata para sa kanya na nagugustuhan ko na din sya?
Bumaling naman ako kay Liza ng Kalabitin nya ako. Naka-simangot na naman ito. Nginuso nito ang binitawan nyang damit kanina.
Umiling lang ako ng bahagya na syang lalong nagpa-simangot sa kanya. Huminga ako ng malalim. "Bakit Hindi natin umpisahan sa mga casual ma damit tulad ng jeans at tshirt?" Umirap naman sya at nahampas nya ang nuo nya.
"Eh lagi na ngang jeans at tshirt ang suot mo eh. Common Alae! 2019 na ngayon Hindi na pwede yung pa-sweet o pa-cute lang! Wala ng nagtatagal na lalaki sa mala-Maria Clara effects."
"Eh bakit si Jace. Natatagalan na ligawan ang isang 'Maria Clara effects' na tulad ko." Sarcastic ang tunog ng boses ko nung binanggit ko yung 'Maria Clara effects'.
"Pero Hindi tayo sure kung hanggang kailan matatagalan ni Ivan yung 'Maria Clara effects' mo." Umirap na lang ako sa kanya. Sarcastic din kasi ang paraan ng pagkakasabi nya non.
Medyo tinamaan naman ako sa sinabi nya. Oo nga ano? Hanggang Kailan nga kaya matatagalan ni Jace yung 'Maria Clara effects ' ko? Yung mukhaan kasi ni Jace ay yung madali lang mag-sawa. Tapos yung mga tipo nyang Babae ay yung tulad ni Liza na may fashion!
Omg! Baka sila na ang magka-tuluyan ni Liza. Joke! Lintek na imagination ito.
"Fine. Kung gusto mong magsimula sa jeans. Okay. Hindi lang naman tshirt ang pwedeng ipares sa jeans. Kung crop top kaya?"
Napangiwi naman ako. "Yung labas yung pusod ko?" Natawa naman sya. "Hindi naman porke crop top ay labas na agad ang pusod mo." Well. Kung ganoon naman pala ay pwede na. Atleast mas level up sa tshirt at Hindi masyadong Sexy.
![](https://img.wattpad.com/cover/161799203-288-k698894.jpg)
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...