KINABUKASAN ay tulala pa ko habang nagluluto ng almusal namin ni Josiah. Maaga din akong nagising para sana mag linis ng bahay o kahit ano na pwede kong magawa dito sa condo. Siguro ay gagamitin ko na din ang pagkakataon na ito para makasama ang anak ko.
Hindi muna kasi ako pinapalabas ni Ms. Sasha dahil mainit pa ang pangalan ko, hindi lang sa media kundi lalo na sa mga tao. Mabuti na nga lang at mahigpit ang security dito sa condo at priority talaga nila ang privacy ng mga nakatira dito.
"Mommy?"
Sinalubong ko ng yakap ang anak ko na kusot pa ang mga mata habang papalapit sakin. Binuhat ko ito at masuyong hinaplos ang likod nito.
"You wanna eat your breakfast na?"
Kahit nakatago ang ulo nito sa leeg ko ay naramdaman ko pa din ang pag tango nito. Tumungo na ako agad sa dining area at gamit ang paa ay hinila ko ang upuan at marahan na inupo ang anak ko mula dito. Hinanda ko ang mga utensils at inilapag sa mesa ang naluto kong ulam at ang gatas nya.
"What do you want?"
Tinuro nito ang chicken nuggets at hotdogs. Tumango naman ako at nilagyan ng kaunting fried rice at ilang piraso ng gusto nitong ulam. Nilapit ko din ang gatas sa plato nito.
Nagsimula na 'tong kumain habang hinalo ko na ang Cereals ko na merong blueberries at strawberries. May one cup na coffee din ako na tinimpla. Akmang sasandok na ko ng biglang nagingay ang cellphone ko.
"Eat your food carefully, okay? I will answer the phone call first." Wala pa itong sa mood at tanging tango lang ang naging sagot, may mga umaga talaga na tahimik lang ito pero maya maya ay magsasalita naman na.
Tumayo na ko at lumapit sa kitchen island counter kung saan ko inilapag ang phone ko kanina habang nagluluto. Ala-syete pa lang ng umaga.
"Hello?"
Inayos ko ang mga nagkalat na plato na ginamit ko sa pagluluto kanina.
"Goodmorning, beh!! Namiss kita agad!"
Kumunot ang noo ko ngunit napangiti din ng makilala ang boses sa kabilang linya. Si Liza!!
"Liza? Goodmorning!!"
"Yes it's me! Kakatampo ah, mukang di mo sinave ang number ko huhu"
Natawa naman ako dahil talagang binanggit pa nito ang 'huhu'. Nilagay ko sa lababo ang mga nagamit na plato bago naupo.
"I'm sorry there's an emergency yesterday. Are you having your breakfast, right now?"
"Yes. Tamang lamon lang ng bacon and eggs, namiss ko na nga luto ni Nanay. Anyways speaking of Nanay may sasabihin nga pala ako at bawal kang humindi ah!"
Bahagya akong tumingkayad at sinilip si Josiah. Kumakain lang ito at hawak na ang airplane toy nya which is hindi ko alam kung saan nya nakuha yon.
"Ano yon?"
Lumapit na ko kay Josiah ng makitang nawiwili na ito sa hawak nyang laruan at hindi na ginagalaw ang pagkain sa harap nito. Agad naman itong napatingin sakin ng makalapit ako. Tinuro ko ang pagkain na nasa harap nya at sumenyas na ibaba ang hawak nitong laruan.
"Birthday ni Nanay sa isang araw. Pumunta ka ha! Nako hindi pa nya alam na nagkita na tayo tska miss na miss ka na ni Nanay at Tatay, tas syempre si Liam din!"
Malungkot na napangiti ako. Matagal na din ng huli ko silang makita at hindi ko din nagawa na magpaalam sa kanila. Mas napangiti ako ng maisip na for sure ay malaki na ngayon si Liam. Kung hindi ako nagkakamali ay halos tatlong taon lang ang tanda nya kay Josiah.
![](https://img.wattpad.com/cover/161799203-288-k698894.jpg)
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Storie d'amore[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...