Chapter 24: MAGKASINTAHAN

1.3K 47 2
                                    

"Alae? Gising ka na ba?"

Napakurap naman ako ng marinig ang boses ni Ate Ruby. Pinunasan ko Ang mga nangilid na luha sa Mata ko, Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga pangyayari kagabi.

Ang sarap sa pakiramdam dahil puro masasayang pangyayari ang binibigay sakin. Yung pagkapanalo ko at yung sinagot ko na si Jace. Nababahala tuloy ako sa mga mangyayari sa susunod pang araw, na may kapalit lahat ng sayang nararanasan ko ngayon. Baka bawiin din. Napabuntong hininga ako at umiling. Ayan ka na naman Alae, super nega mo na naman.

"Lumabas ka na at kumain." Hinagod ko Ang buhok ko at nilingon ang pinto. Anong oras na ba? Sumulyap ako sa wall clock at nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas nueve na pala. Ganon ba ko kapagod at tanghali na ako nagising.

Tumingin muna ako saglit sa Salamin at nagdesisyong lumabas na. Sabado naman ngayon at walang pasok, tutulong na Lang ako sa carinderya, ilang araw na din ako Hindi bumibisita at tumutulong.

*TENTENEN*

Napahinto ako ng ambang bubuksan ko na Ang pinto at nilinga ang cellphone Kung nasa ibabaw ng kama. Dinampot ko Ito at binuksan ang inbox.

Jace💖

Goodmorning Mahal! Eat your breakfast, ayokong malipasan ka. Iloveyou (◍•ᴗ•◍)❤

Mahal? Ramdam ko Ang pagiinit ng pisngi ko nung mabasa ko yon. Napa'kagat ako sa aking pangiibabang labi at nag'isip kung anong isasagot ko sa mensahe nya. Baka Kasi mamaya ay isipin nya na sobrang clingy ko, baka maumay sya sakin at magsawa sya agad?

Napahinga ako ng malalim at tila Hindi pa kumakalma ang aking sistema dahil sa mensahe nya. Sino ba namang Hindi kikiligin sa isang Ivan Jace Villafuerte, eh isang himala na Kung matatawag dahil boyfriend ko Ang isang katulad nya. Like hello? Ako? Magugustuhan nya, malabo yon..

Noon.

Dahil ngayon, isang himala na yata dahil kasintahan ko na sya. Hanggang ngayon parang nananaginip pa rin ako sa pangyayari kagabi. Sa kabila ng pagod ay saya dahil sa mga blessing na binibigay sakin.

Nabulabog ang aking isipan ng kumatok muli si Ate Ruby. "Alae? Pwede bang bantayan mo muna Yung niluluto ko? Aalis Lang ako saglit." Sumigaw naman ako ng Opo bilang tugon at Hindi na naisipan pang replyan si Jace dahil sa madami pa Kong kailangang gawin. Siguro ay mamaya ko na Lang sya rereplyan, pagbalik ni Ate Ruby.

*******

Napapunas ako ng pawis matapos umupo at pinatong muna ang dala Kong tray. Nandito ako sa loob ng kusina at tumutulong ako sa pagsserve ng mga pagkain sa costumer. Kahit medyo pagod na ko dahil sa madaming kumakain sa carinderya ngayong araw ay nakaramdam pa rin ako ng saya dahil nakakamiss din pala ang pagtatrabaho dito sa carinderya.

"Pagod na?"

Napabaling ako kay Ryan na nakangisi sakin habang may dala dala ding tray na mukang kakapasok Lang dito, di ko sya napansin.

Ngumiti Lang ako dito at tumayo na rin para muling mag serve. Mamaya na siguro ako magpapahinga pag komonti na ang kumakain. Ala una na ng tanghali ngunit madami pa ring costumer, Kaya Hindi pwedeng mamahinga ng matagal dahil baka may magreklamo pang costumer dahil sa bagal ng pag'dating ng makakain nila.

Naglagay muli ako ng mangkok sa aking tray na may lamang ibat ibang putahe. Hindi ko tuloy maiwasang di matakam dahil Hindi pa ko kumakain. Natagalan Kasi si ate ruby kanina Kaya naman matagal ding ako nagbantay ng pinapakuluan nyang beef, di na ko nakakain dahil agad na Kong tumulong sa carinderya.

"Sige maiwan na kita dyan, magserve na ko." Usal ko Kay Ryan na nagbubukas ng soft drinks. Tumango naman Ito biglang tugon Kaya naman lumabas na ako agad.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon