Chapter 34: PLEASE, BE HAPPY

2K 36 1
                                    

PARANG pinupunit ang puso ko sa aking bawat hakbang. Masakit din ang gitna ko, hindi ako makakilos ng maayos ngunit hindi ko na ito masyadong ininda at dahan-dahan na humakbang sa mga naglalakihang bato. Hindi ko alam kung anong oras na ba ngunit madilim na rin. Mga alas-syete na yata ng gabi.

"Alaenna?"

Lumingon ako kay Calix na nagda-drive ngayon. Pinagpapasalamat ko at mabilis syang nakarating ngunit hindi ko pa din hinayaan na makita nya ang talon. Kanto ang pagitan kung saan nya ako hinintay.

Tumango ako at nagbaba ng tingin sa bag na dala ko.

"Salamat nga pala at naglaan ka pa ng oras para sunduin ako."

Ngumiti ito at mabilis akong nilingon bago muling binalik ang mga mata sa daan.

"That's nothing, and your welcome."

Tipid na ngiti lang ang naging tugon ko bago tumingin sa bintana ng sasakyan, kung saan malayang napagmamasdan ng mga mata ko ang mabilis na pagtakbo ng mga sasakyan mula sa labas.

"Bakit ka nga pala nandon? Sa bahay nyo sana ako pupunta kanina para sunduin ka." Mula sa gilid ay naramdaman ko ang paglingon nya. "Buti na lang nasabihan mo ako agad."

Hindi ko sya sinagot. Sa halip ay inalala ko ang mga pangyayari na naganap kanina.

Kipkip ko ang manipis na kumot na tanging naging instrumento upang matakpan ang kahubdan ko. Bumuntong hininga ako habang pinakikinggan ang mabibigat na hinga ni Jace, tanda lamang na malalim na ang tulog nya.

Nilingon ko sya at pinagmasdan. Malaya kong hinaplos ang pisngi nya gamit ang kanan kong kamay. Inaalala ang bawat detalye nito.

Hinayaan ko ang aking sarili na maglaan ng ilan pang minuto upang pagmasdan sya. Hind ko alam kung darating pa ang araw na matitigan ko sya ng ganito kalapit. Hindi ko alam kung dumating man ang araw na muli kaming magkita ay malaya ko din bang mahahaplos ang mukha nya. Hindi ko alam kung darating ang araw na mapagbibigyan pa kami ng tadhana na muling magkita.

Kung dumating man ang araw na yon? Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin para kamustahin. Hindi ko alam kung mapapatawad nya ba ko sa magiging desisyon ko at sa mga nakalipas kong desisyon. It's fine if he won't forgive me. I just wish that he'll be happy and successful when I'll be given a chance to see him someday.

O kung makikita ko pa ba sya...

Hinawi ko ang aking luha bago dahan-dahan na tumayo. Hindi ko nais na makita nya akong umalis, dahil natatakot ako na baka pag nangyari yon..

Baka hindi na ako umalis at manatili na lamang sa tabi nya.

Natigilan ako at halos pigil ang hinga ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'yong hinugot ito mula sa bulsa ng pantalon ko at binuksan ang mensahe.

Calix:

otw to your house. You ready?

Natigilan ako at agad na tumugon sa text nito. Hindi dapat Nila malaman kung nasaan ako at na ikaw ang kasama ko!!

Dinampot ko ang nagkalat na pangbaba at panloob kong suot. Hinanap ko ang t-shirt na suot ko ngunit naalala ko na nasa sala pala kami kanina ng hubarin nya yon mula sakin kasama ng bag ko.

"Mahal na mahal kita."

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal ng iba pagkatapos nito.

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko sya bago ako nagpasyang umalis.

"Please be happy. I want you to be happy."

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon