Chapter 28: TIWALA

1.1K 31 4
                                    

KINABUKASAN

Maaga akong nagising sa araw ng lunes at agad na gumayak para maagang makapasok. Mahirap ng ma-late sa araw ng lunes dahil si manong guard na masungit ang nakascheduled ngayon araw. Matapos kumain at maghanda ng babauning pananghalian ay lumabas na din ako ng bahay. Dinagdagan ko ng kanin at ulam ang dala ko para hati kami ni jace mamaya.

Speaking of Jace, Mukhang nalate siguro ng gising at himalang wala pa sya ngayon. Madalas kasi ay paglabas ko pa lamang ng pinto ay natatanaw ko na syang naghihintay sa labas ng gate.

"Oh wala pa ba si jace, hija? Aba'y anong oras na."

Napailing na lang ako at muling tinanaw ang kalsada upang icheck kung narito na ba ito.

"Mukhang nalate siguro ng gising, ate Gloria."

"Oh sya pasok na ko sa loob. Mag iingat ka."

Tango at tipid na ngiti lang ang naging tugon ko bago muling pasadahan ng tingin ang daan.

Nakailang text na ako ngunit wala naman itong kahit isang reply. Ilang minuto na lang ay malelate na ko! Lunes na lunes ay maglilinis pa yata ako ng Palikuran!!

Hindi na tuloy akong mapakali sa kinatatayuan ko ngayon at papunta't parito ako ng lakad habang panaka-nakang tumitingin sa daan sa pagbabakasali na nandyan na sya. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin sya. Nakaramdam na tuloy ako ng pag-aalala rito.

"Oh wala Pa din? Malate ka na sa una mong klase."

"Parating na rin po siguro."

Sinundan ko na lang ng tingin si ate Gloria na bitbit na ngayon ang lalagyanan ng mga ulam at pabalik na sa loob ng carinderya.

Napapakut-kot na ko sa nakausling sinulid sa suot Kong simpleng V-neck T-shirt habang patuloy sa munting mga padyak at pagsilip sa daan.

Naghintay pa ko ng limang minuto pero walang dumating na Jace. Napakamot na ko sa buhok ko dahil sa pagkayamot. Sinilip ko ang pambising na relo ko. Ilang minuto na lang ay simula na ng una kong klase, ni hindi na ko naka attend ng flag ceremony sa paghihintay.

"Alae? "

Agad akong napalingon sa pagkaka-akalang baka si jace na yon. Ngunit nakaramdam ako ng panghihinayang ng makitang Hindi pala si Jace ang tumawag sakin.

Suot ang plain white tshirt at khaki short. Tila ba lahat ng makakakita sa kanya ay ma-aattract sa taglay nyang kakisigan. Fresh na fresh na nakatayo ngayon sa aking harapan si Calix na todo ngiti sakin.

Gumanti ako ng ngiti. "Goodmorning. Kamusta? " Napakamot naman ito ng bahagya sa ulo nya bago sumagot. May pakamot effect?

"Goodmorning din. Heto good na good ang morning. Ikaw kamusta ka? " Tumingin ito sa gayak ko at sa bitbit Kong shoulder bag. "May klase ka?"

Bumaling din ang tingin ko sa bag na dala ko bago tumango. "Oo. Ikaw ba? San punta mo? " Hindi naman sya gayak na gayak pero ang cool cool nya lang talaga tingnan ngayon.

"Sayo."

"Huh? "

"I mean dyan, dyan sa may kapitolyo."

Napatango naman ako at muling tumingin sa pambising kong relo. Siguro ay hindi ko na mahihintay pa si Jace dahil baka ma late na talaga ako. Lunes na lunes pa naman. Mukhang buong linggo akong late.

"Mukhang late ka na. May hinihintay ka ba? " Tanong nua bago bumaling sa daan na binalingan ko matapos tingnan ang oras.

"Meron sana pero mukhang di ko na mahihintay dahil late na ko." Tumikhim ako. "Sige mauna na ko ha? Ingat na Lang at magandang umaga ulit. Sa susunod na Lang."

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon