Chapter 42: "I DON'T SHARE"

1.9K 53 4
                                    

KASAMA ko ngayon si Leila sa loob ng isang bikini shop sa mall. Madami naman akong bikinis na hindi ko pa nasusuot ngunit nagpumilit talaga ito na sabay kaming bumili.

"Mag-try ka naman nung medyo expose yung dede mo o kaya yung pwet."

Naiiling na lang ako sa mga pinapakita nitong one piece swimsuit. Kanina pa kami paikot-ikot sa loob ng shop ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mapili.

"Ito na lang kaya yung bilhin ko? Ano sa tingin mo? Bida-bida ang pwet ko ditoo!!"

Inilingan ko na lang sya at hinayaan itong tumakbo patungo sa fitting room. Habang nagsusukat ito ay tumingin-tingin na din ako ng maaaring bilhin para matahimik na ito at makauwi na ko.

Bukas na kasi gaganapin yung swimming training. Kapwa pa kami tulog ni Josiah ng biglang pumasok ito sa silid naming mag-ina. Wala na akong nagawa kundi hayaan itong hilahin ako patungo sa mall. Mabuti na nga lang at one call away lang si Ate Rosalie.

"Oh ano nakapili ka na ba?" Tinaas nito yung once piece swimsuit na kakasukat nya lang. "Ito na talaga yung bibilhin ko."

Tumango naman ako at akmang maglalakad na patungo sa counter ng hilahin na naman nya ko.

"Leila!"

"Nandito ka na lang din, edi pumili ka na!"

Tinaas at nilambitin nya sa harap ko ang iba't-ibang klaseng bikini ngunit pare-parehas na kinulang yata sa tela ang mga ito yung iba nga ay parang lingeries na!

"Ito kaya?"

Napailing ako at agad binaba ang isang black leather lingerie na kulang na lang ay ihampas nya sa mukha ko.

"Ako na lang ang pipili." Natawa lang ito at hinayaan akong mamili.

Napukaw ang atensyon ko sa isang simple pero eleganteng tingnan na one piece swimsuit (A/N: photo above!!). Okay na siguro ito. Hindi naman siguro gaanong ka-expose ang dapat maexpose kapag sinuot ko ito bukas.

"Lei, sigurado ka bang once piece swimsuit ang dapat na suotin sa training bukas?"

Tanong ko habang papalabas na kami ng shop. Nagdesisyon kaming maghanap muna ng makakainan bago umuwi. Nagugutom na rin ako eh.

"Eh ano bang gusto mo? Pajama o pantalon ang suotin?"

Inirapan ko ito. "Gaga! Ang ibig kong sabihin ay training ang gagawin bukas at hindi outing. Sa mga ganitong training ay rash guard lang dapat o kaya t-shirts."

"Pwede naman yan! Sino ba talaga ang nagtuturo satin? Simple pa nga lang yung binili natin, pustahan mga naka two piece yung iba bukas."

Kung hindi lang ako pinilit ni Leila ay baka nag-rush guard na lang ako bukas. Mahirap ng masabihan ulit na napaka-unprofessional ko. Hanggang ngayon ay nanliliit at umiinit pa din ang ulo sa tuwing maaalala ang pang-iinsulto sakin ni Jace.

Alam kong galit sya sakin pero hindi naman na kailangan na ipaalam nya pa sa iba diba? Nandamay pa sya ng ibang tao. Mabuti na lang talaga ay nakapag-timpi at napigilan ako ni Leila dahil kung hindi? Baka yon na ang una't-huling training ko.

HININTAY kong bumalik si Leila sa table namin bago ko sinimulang galawin ang pagkain na inorder nya. Ganon din naman ang ginawa nito. Galit-galit muna kapag ganitong parehas kamig gutom.

"Bes?"

Tiningala ko si Leila na ngumunguya habang nakatingin sakin.

"Bakit?"

"Ahmm nagtataka lang ako sa sinabi ni Captain nung nakaraang araw."

Bumuntong-hininga ako. "Alin don?" Tinaas ko ang kilay ko. "Yung, 'I thought you, being a model could make you a professional. Turn out it's the other way around'?"

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon