Kabado ako habang palakad-lakad sa kwarto ko. Kinagat ko ang pangibaba kong labi ng maalala ko ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi naman ganon kabigat yung sinabi ko pero kahit na diba!
Sobrang importente sakin ang magkaroon ng scholar. At si Mayor lang ang tanging makakapagbigay sakin non. Ngayon. Mukhang Hindi na mangyayari yon dahil sa inasal ko sa anak nya kanina.
Bat ba kasi Hindi pumasok sa isip ko na Baka nga Anak sya ni Mayor. Sa postura nya pa lang ay may chance na. Tapos close pa sila ni Ana. Baka mamaya ay hikayatin ni Ana si Calix na sabihin sa tatay nya na wag akong bigyan ng scholar, kung saka'sakali.
Pero medyo panatag pa ako. Hindi naman siguro madaldal si Calix para ikwento pa nya yon kay Ana. Pero Hindi pa ako pwedeng mapanatag hanggat wala akong action na ginagawa para luminis ang imahe ko kay Calix.
Kung kailangan ay kausapin ko sya para makapag-paliwanag ako ay gagawin ko. Tska Hindi naman talaga ako masungit. Talagang maraming nangyari kagabi para alalahanin ko pa si Calix. Nabigla lang ako.
Napatango tango ako at huminto sa paglalakad tska humarap sa pinto. "Kakausapin ko sya pag nakalabas na sya sa gate mamaya." Mabuting paraan na rin yon para Hindi na malaman pa ni Ana.
Inilapit ko muna ng bahagya ang tenga ko sa pinto. Baka mamaya ay wala na pala sila dyan, Sayang naman ang plano ko. Napangiti naman ako ng marinig ko ang Boses nila ni Ana. Mabuti naman at nadyan pa rin sya.
Unti-unti ko namang binuksan ang pinto. Sakto namang kapwa na sila nakatayo at tila ba aalis na si Calix. Lumipat ang tingin ko sa pinto ng kusina.
Mayroong pinto don at pag pumasok ka don ay diretso sa bakuran na. Dadaan ako don at iikot para makatungo sa gate. Hinintay kong tumalikod sila bago ako dahan dahan na humakbang papunta sa kusina.
Nakahinga ako ng malalim ng mapag-tagumpayan ko yon. Sinara ko ng marahan ang pinto. Wala na din don si Ate Gloria. Sya na din ang nagtapos ng binabalatan kong carrots. Mabuti na lang din at wala ngayon si Tiyang dahil naniningil sya ng mga pinautang nyang sabon.
Naglakad ako patungo sa pintong dadaanan ko. Binuksan ko na agad ito ng makapunta na ako sa gate dahil baka nakaalis na si Calix.
"Bye bye na Cal! Thanky sa pagdalaw!"
Agad akong nagtago sa haligi ng bahay ng marinig ko ang pagpapaalam ni Ana kay Calix. Sumilip ako at nakita kong nagbeso-beso pa sila bago tinahak ni Ana ang daan papasok ulit sa bahay.
Sya namang labas ko at pinagmasdan si Calix na nakatayo lang sa labas ng gate tila may hinihintay ito. Ano o Sino kaya yung hinihintay nya?
Natampal ko naman ang noo ko ng maisip na bakit naman mamasahe lang si Calix Alaenna! Anak sya ni Mayor. Malamang nyan ay naka-kotse sya.
Tama naman ang nasa isip ko ng makitang may kulay puting Van ang tumigil sa harap nito. Kung di ko lang Alam na anak ni mayor ay manghihinala ako na baka mangunguha ng bata ang itsura ng van na ito. White pa ah! Tss. Hindi naman pala bata si Calix.
Natigil ang pinagiisip ko ng makitang pahakbang na si Calix papasok sa sasakyan kaya Hindi na ako nagisip pa at Tinawag sya.
"CALIX!!!!!"
Nagtagumpay na naman ako ng makitang natigil sya at napalingon-lingon sa paligid. Ng bumaling na tingin nito sakin ay nahihiyang kumaway ako sa kanya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito at tumitig sakin.
"Hi?" Nasabi ko na lang. At lumapit na sa kanya. Hinarap nito yung driver nya na nasa loob ng sasakyan. May sinabi ito bago sinarado ang pinto ng sasakyan. Binuksan ko ang gate at hinarap sya.
Nanatili itong nakatitig sakin na tila ba nagaabang ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Yung trato ko sayo kanina, Sorry. Bisita ka pa naman ni Ana tapos ganon yung trato ko sayo." Sabi ko sa kanya.
Tango lang ang naging tugon nya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/161799203-288-k698894.jpg)
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...