Chapter 4: GUSTO KITA

2.9K 109 4
                                    


Napangiti ako ng makitang pababa si Tita Lorna kasama si Liam. Lalo akong napangiti ng makitang gustong gusto nitong makawala sa buhat ng Nanay nya ng makitang narito ako.

"Ayeyna!! Baba nay nay!!" Bulol pa ito lalo na sa pangalan ko.

Napapangiti talaga ako pag naririnig ko ang bulol na pagkakasabi nya sa pangalan ko. Patakbo itong tumungo sakin ng sa wakas ay ibinaba na sya ni Tita Lorna. Mabilis ko namang binitawan ang patalim at patatas na hawak ko.

Niyakap ko agad ito ng makalapit sya sakin. Niyakap din nya ako pabalik. " Namiss kita Baby Liaaaaam!" Nanggigigil ko itong hinalikan sa pisngi.

"Ako din Ate!" Napaka bungisngis talaga nito. Malaki ang pisngi nya at mataba, kaya cute na cute ako sa kanya.

"Mukhang lumalaki ka na ah? Ang cute cute mo talaga" Bahagya ko pang pinisil ang pisngi nya bago hinalikan muli.

Ang cute cute kasi talaga eh, Hindi ko mapigilan. Tumango tango ito tska binaon ang mukha nya sa leeg ko. Inayos ko naman ang pagkakabuhat ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Tita Lorna na nakangiting pinagmamasdan kami.

"Don muna kayo sa labas ah, mukhang nandyan na yung videoke." Kinuha nya yung kutsilyo at patatas.

"Ako na ang magtutuloy nito Alae, hintayin nyo na lang sa labas si Liza." Tumango na lang ako bago inayos muli ang buhat kay Liam, tska kami lumabas.

Nakita naming tinatry pa nila Tito Samuel kung maayos ba yung sounds ng mic. Nang marinig na okay naman ay narinig kong nagpasalamat si Tito Samuel bago umalis yung may ari siguro ng videoke. Napatingin sa gawi namin si Tito Samuel.

Ngumiti ito at tiningnan si Baby Liam. "O, gising na pala ang bunso namin. Halika kayo!" Nakangiti ako..kami ni Liam na tumungo kay Tito Samuel.

"Maayos na tong videoke." Tumingin sakin si Tito. "Subukan mo na Alae!" Masayang sabi nito.

Nahihiyang napayuko naman ako, bago umiling. "N-nako ayoko po--NAKO TATAY PAKANTAHIN NA YAN SI ALAE! PAMBATO KO YAN SA KANTAHAN!!" Napailing naman ako ng pinutol ni Liza ang pagtutol ko. Na kakaligo lang.

"Yon naman pala Alae. Pumili ka na dito at kumanta ka na." Inabot ni Tito Samuel ang song book sakin.

"H-hindi naman po ako magaling kumanta Tito. Si L-liza na lang po." Napatingin naman si Tito kay Liza tas tumawa.

"Wala kang aasahan dyan kay Liza pagdating sa kantahan!" Napasimangot naman si Liza sa sinabi ng ama.

"Kaya nga hinihintay ko ding lumaki si Liam, baka si bunso na ang nagmana ng galing ng Nanay nya sa pagkanta!"

Napabungisngis naman si Liam sa pagkakapisil ng papa nya sa kanyang pisngi.

Ayon kasi sa pagkakakwento ni Liza. Noong kabataan daw ng kanyang Nanay ay sumasali na daw talaga ito sa mga patimpalak nung araw sa larangan ng pagkanta, sa pagsali din ni Tita Lorna sa pagkanta ay doon din sila nagkakilala ni Tito Samuel.

"Halika ka na Alae at luto na ang pagkain! Baka lumamig na. Ikukuha na lang kita, ano bang gusto mo? Nagluto ako ng menudo, Shanghai at Kare-kare. Ano bang gusto mo, hija?" Umiling naman agad ako kay Tita.

"Ako na po, Tita Lorna. Kaya ko na po." Ngumiti si Tita Lorna.

"Sige, halika't nasa kusina ang pagkain." Tumayo ako bago inupo si Liam sa upuang inupuan ko kanina.

"Dyan ka muna Baby ah, kukuha lang ng pagkain si Ate." Pinisil ko ito sa pisngi at hinalikan. " Tumawa ito at tinaas pa ang dalawang kamay. Tumingin naman ako kay Liza.

"Kukuha lang ako ng pagkain ah. Bantayan mo muna si Liam. Baka mahulog yung kapatid mo." Tumango na lang ito. Busy kasi sa paghahanap ng makakanta sa song book.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon