Chapter 1: ALAENNA RUIZ

11.5K 185 5
                                    


"Grabe! She look so ugly!"

"Your right! Look at her clothes, parang pinulot lang sa basurahan? Yuck!"

"Bakit ba sila nagpapasok ng pulubi dito?!"

"My god! Baka akala nya garbage area ito? School ito no!!"

Mahigpit ang kapit ko sa kulay itim at lumang bag na gamit ko pa mula nung nasa elementarya pa lang ako.

Sari-saring lait ang naririnig ko sa paligid. Hati din ang daan sa bawat paghakbang ko. Malayo pa lang ay dinig ko na ang ingay ng paligid na tila ba malaking eskandalo na nakita nila ulit ako dito. Sanay naman na ako pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot at maiyak dahil sa mga masasakit na salita na sinasabi nila sakin.

Elementary pa lang ako ay palagi na akong hinuhusgahan ng mga kapwa ko bata kahit mga magulang nito ay nakikisali at tila suportado pa ang kanilang mga anak.

Buong buhay ko palagi na lang ganito. Hinuhusgahan sa physical na anyo, hindi ko sasabihin na pangit ako ng dahil lang ba sa katayuan ko sa buhay ay huhusgahan nila ako?

Oo, wala akong bagong damit o bag, wala din akong pambili ng pulbos para maging maayos ang mukha ko, madalas ding magulo ang buhok dahil minsan ay bigla na lang nila akong itutulak lalo na kung hinaharangan ko daw ang dinadaanan nila samantalang hindi naman nila pag-aari ang daan at kung minsan ay sila pa ang humaharang sakin.

Pag hindi ako nagsalita sa tuwing tatanungin nila ako ay sasaktan nila ako ng pisikal at emosyonal, kahit sa pagsagot ko nagagalit sila. Hindi ko na maintindihan kung saan ako lulugar.

Simula nung nagkaisip ako ay ang Tiyang Esme ko na ang nag-aalaga at nagpaaral sakin na syang labis kong pinagpapasalamat. Ana ang pangalan ng kanyang anak, Iniwan daw sya ng kanyang asawa matapos malaman nitong buntis sya. Hindi na nito hinanap ang asawa at nagdesiyon na itaguyod ang anak.

Sa ngayon ay nasa Manila si Ana para mag-aral, kahit mahirap ang buhay ay pumayag pa rin si Tiyang sa kagustuhan ni Ana. Apat-naput-siyam na gulang si Tiyang. Siya na ang nagaruga sa akin mula pa nung bata ako. Sanggol pa lang ako ay nakatira na kami dito sa Cebu.

Nung nag-elementary ako ay nagsimula na silang husgahan ako tungkol sa pananamit at ang pustura ko, ang pinaka-iniyakan ko noon ay yung sinabi nila na wala na akong magulang na baka napulot lang ako ni Tiyang sa basurahan.

Matapos non ay nagsimula na akong magtanong kay Tiyang patungkol sa mga magulang ko, sabi nya namatay daw si Nanay matapos nya akong ipanganak at namatay naman daw si Tatay dahil sa labis na paghihinagpis sa pagkamatay ni Nanay. Hanggang ngayon iyon ang pinanghahawakan kong dahilan kung bakit wala na akong magulang.

"Alae? Bakit nakatunganga ka pa dyan? Gustong gusto mo talagang ipinapahiya ka no?"

Si Liza-kaisa-isang kaibigan na meron ako.

Grade five ako ng makilala ko sya at proud akong sabihin na hanggang ngayong Fourth year high school na kami ay matatag pa rin ang pagkakaibigan namin, pero minsan nagkakagalit din kami pero tulad nga ng laging nyang sinasabi 'Sige na nga! Bati na tayo. Wala namang choice eh!' Somehow masasabi ko ring tama sya. Talaga namang wala kaming choice eh.

"ALAE! ANO NA?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig kong humiyaw si Liza kaya tumingin ako sa kanya. Magkasalubong na ang mga kilay nito at namumula na rin sa inis.

Yumuko ako ng bahagya. "Sorry." Maikling sabi ko dahilan upang huminga sya ng malalim at bahagyang umiling.

"Hayy nako! O sya, Tara na at unang araw pa naman ngayon ng klase sa Grade 10 male-late tayo. Halika na!"

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon