Mataimtim na hiniling ko sa maykapal na maglaho na lang sa mga oras na yon. Hindi ko alam kung itatakbo ko ba papalayo ang anak ko sa ama nito o hahayaan na magkakilala ang mag-ama.
Hindi ko kailanman nilarawan sa isip ko ang araw na ito. Hindi ko alam na ngayon na pala mangyayari ang pinaka-kinakatakutan kong sandali. I'm not sure if I can still avoid it or get away from it.
I've been running and hiding for five years. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumakbo o magtago ngayon.
"Mommy?"
Hindi ako gumalaw. Tahimik lang akong nakatayo at pinagmamasdan ang lalaking madilim na nakatingin sakin nung mga oras na yon. Tulad ko ay nakatayo lamang ito at hindi alintana na nasa gitna kami ng daan.
"Mommy, I'm tired."
Tumikhim ako at niyuko ang anak ko na nakakapit na ngayon sa mga paa ko. Malamlam na ang mga mata nito at halatang kulang sa tulog nitong mga nagdaan na araw.
"Okay, we will go home na."
Hindi ko na nagawa pang tingnan si Jace at sa halip ay binuhos muna ang buong atensyon sa anak. Nilingon ko si Leila na nasa likod ni Jace. Nakangiwi ito sakin at panay ang tingin kay Jace.
"Leila, let's go."
Tumango ito at sulyap pa din ng sulyap kay Jace hanggang sa mapunta sya sa harap naming mag-ina. Hindi ko na matingnan pa si Jace at akmang pipihit na paalis ng..
"Mommy, how about the captain?" Nilingon nito si Jace at malapad na malapad ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang ama.
Napatingin na tuloy ako kay Jace at nakita ko na kay Josiah na ang atensyon nito. Tinititigan ng husto ang anak.
Tumikhim ako bago sumagot. "I don't know, anak maybe Captain will go somewhere else so let's go."
Tumingin ako kay Leila at sumenyas ako rito na umalis na kami. Tumango naman ito kaagad at hinawakan na ang kamay ni Josiah para hikayatin itong humakbang na paalis.
"May sasakyan ka bang dala?"
Tumango ako. "Nagpahatid lang ako sa Isang crew ng resort, hinihintay na tayo sa labas."
"I have my car with me. I'll drive."
Nanlaki ang mga mata ng anak ko at agad akong tiningala. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa ihihiwalay ang bata sa kanya.
"Mommy, let's come with Captain Jace!!"
Ngumiti ako sa anak at hinaplos ang pisngi nito. "No na anak. Someone's is already waiting for us outside."
"But mom-"
I hate to fluster my strict face when it comes to Josiah but I don't have any choice but to do so.
"Josiah."
Sumimangot naman ito at bumaling kay Jace. Hindi na ako nagisip pa at agad na tinanggihan ang alok nito.
"No, thanks. Naghihintay na yung driver sa labas. We can manage. Tska baka may lakad ka pa-"
"I'm done with my business here."
"Good for you then but, we can manage--"
"Ako ang maguuwi sainyo. End of discussion, let's hurry."
Hindi na ako nakaapila pa ng lumagpas ang lakad nito sakin at nagulat ako ng agawin nya ang kamay ni Josiah mula kay Leila. Agad namang kumapit ang bata sa kanya at maligalig na naglakad paalis.
"Jace!"
Tinapik ni Leila ang balikat ko. "We need to go, people are starting to recognize you."
Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Napapatingin na sila sa akin at ang iba ay napahinto na ng tuluyan sa paglalakad. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at walang nagawa kundi sundan ang mag-ama. This is not the perfect timing to caught people's attention. Not today!
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romantik[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...