UNANG araw ngayon ng Intrams week. Ang bawat isa ay abala sa paglalakad para makahanap ng booth na pwedeng puntahan at mga Food Booth na pwedeng kainan. Talaga namang pinaghandaan ng School ang intrams this year, para siguro ganahan ang mga lalahok sa ibat ibang activities na hinanda ng School.
Tiyang Esme:
Magba'bakasyon kami ni Ana ng ilang linggo sa Baguio, ikaw muna ang bahala sa bahay at sa Carinderya habang Wala ako.
Natigil ako sa pagmamasid at napaupo ng tuwid dahil sa aking nabasa. Baguio? Kaya pala Wala na ang mag'ina ng magising ako kaninang umaga. Tanging sila ate ruby lang ang nakita ko.
"Uy! Bakit nakakunot ang noo mo dyan?!"
Napa'usod ako ng upo nang sumiksik sakin si Liza, sabay kaming pumasok kanina at nag desisyon kaming kumain muna sa isa sa mga food booth na nakakalat ngayon sa quadrangle at kahit sa gym.
"Ni' text ako ni Tiyang. Mawawala daw sila ni Ana ng isang linggo. Bakasyon." Nagkibit balikat ako.
"EDI BONGGA!!" Tumayo ito at pumalakpak pa. "May isang linggo ka para maging malaya."
Natawa naman ako.
"Malaya?"
"Oo! Pwede kang lumabas at gumala kahit kailan mo gustuhin! Wala ng mang'uutos sayo tuwing umaga, plus magagawa mo na yung mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga teenager at lastly! Pwede na kayong gumala'gala ni Ivan, date ganon!"
Doon ako Natulala. Ang dami kong bagay na gustong gawin, mga bagay na walang haharang at mag'babawal sakin. Nasasayang Ang mga oportunidad na yon dahil sa kahigpitan ni Tiyang. Masama bang gawin ko yung gusto ko? Hindi naman ako gagawa ng masama pero sa mga Mata ni Tiyang lahat ng ginagawa ko ay Hindi nakabubuti sa akin o di naman kaya bawal!
Baka kahit isang linggo lang magawa ko yung mga gusto kong gawin. Baka Ito na yung oras na niregalo sakin ni God para maging Masaya ako. Wala namang masama sa pagiging masaya, diba? We all deserved to be happy. Kahit heto na Lang..
"Natulaley ka na dyan! Mahipan ka ng masamang hangin, uy!"
Inabot sakin ni Liza ang isang paper plate na hugis pahaba na naglalaman ng corn'dog. Napabuntong hininga na lang ako at kumagat na lang don.
"So, saan tayo? Nood tayo ng basketball sa gym!!"
Tumayo ito at hinatak ako. Agad naman akong umalma.
"Mainit don! Dito na lang tayo tska Akala ko ba may babantayan kang booth ng section nyo?"
Napasimangot naman Ito na tila ngayon lang din nya naisip na may kailangan pala syang gawin. Buti na lang at Kompleto na Ang mga magbabantay ng food booths namin, feel free akong gumala gala sa buong campus!
"Eh sinong kasama mo, pag'alis ko?"
Iyong ang problema. Hindi ko Alam kung nasaan ba si Jace, wait?! Bat ko naman yon hahanapin? Hello alae, Intrams ngayon! Sigurong nageenjoy na yon sa tabi tabi kasama ang mga kaibigan nya.
Huminga ako ng malalim at nagkibit balikat.
"Huh? Nasaan si, Ivan?"
"Hindi ko alam, baka kasama yung mga kaibigan nya."
Tumango tango naman ito at kumagat muli sa corn'dog nya. Ganon na lang din ang ginawa ko.
Panandalian kaming natahimik dahil kapwa naming inuubos ang hawak naming pagkain. Galit galit muna ganon, pero panandalian nga lang yon dahil biglang..
"ALAENNA!!"
Hinihingal na huminto sa aking harapan si Leila, Isa sa mga classmates ko.
"Tawag ka ni Geraldine! Kanina ka pa namin hinahanap." Napapunas Ito ng pawis nya.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...