NASA tapat na kami ng Carinderya pero nanatili akong tahimik. Hindi talaga ako sanay pag nagiging sweet sya sakin. Sa totoo lang mas okay pa sakin na inaasar nya ko. Nahihiya talaga ako pag nag Ssweet talk sya sakin. Huh?! Sweet talk? Pauso."Ahm. Gusto mo bang kumain? Ililibre kita!"
Para gumaan naman ang Atmosphere namin. Mas lalo lang akong nahihiya pag masyadong tahimik.
Umiling sya Tapos nilagay nya yung mga kamay nya sa bulsa nya. "Wag na. Uuwi na ako eh. Hinatid lang kita kasi baka mapahamak ka." Tumingin ito sa Carinderya. "Inyo pala ito." Umiling lang ako kaya nagtaka sya. "Sa Tiyang ko ito." Ngumuso ako.
Nagulat ako ng pisilin nya ang pisngi ko. "Wag ka ngang ngunguso! Halikan kita dyan eh." Sinundan nya ito ng Halakhak. Natigil sya ng kurutin ko sya sa braso.
"Che! Ah. Hindi ka ba talaga kakain. Libre ko naman eh" Ngumiti ako. Umiling naman sya kaya yumuko ako. "Okay." Huminga naman sya ng malalim.
"Baka, hinahanap na ko ng kapatid ko."
Tumaas naman ang kilay ko tska Tumango. May kapatid pala sya. "Ganon ba? Sige salamat sa paghatid sakin." Ngumiti lang sya at Napaatras ako ng lumapit ang mukha nito sakin.
"Bukas ulit ah? Pupunta ako dito."
Tinapik nito ang bewang ko tska tumatawang umalis. Napapadyak naman ako. Bakit parang dismayado ako? Tss.
"NAKAKAINIS KA"
Somehow, Napangiti nya na naman ako.
***KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog na nanggagaling sa labas. Kaya naman nagmamadali akong lumabas ng kwarto, nakita ko don si Tiyang na nagtatalon sa tuwa habang hawak yung cellphone nyang nakalagay pa rin sa tenga tila may kausap-Nakita ko din yung upuang natumba. Napabuga naman ako ng hininga. Akala ko kung ano na ang nangyari.
"CONGRATS! TALAGA ANAK! KAILAN KA BA UUWI DITO SATIN?"
Si Ana ang kausap nya. Si Ana lang naman ang anak nya eh. Himala at tumawag ito sa Nanay nya na hindi sila nag-aaway?
Sa tuwing tatawag kasi si Ana ay laging nakasigaw si Tiyang at pinapagalitan sya. Madalas kasi sa mga clubs o bar si Ana. Lagi daw itong nagtutungo doon pagkatapos ng klase tuwing araw ng Biyernes. Nakikita ng malapit na kaibigan ni Tiyang na si Precious na nagtatrabaho naman sa club kung saan madalas tumungo si Ana.
Si Ate Precious ang nagsumbong kay Tiyang nung unang bwan ni Ana sa Manila. Nakita daw sya ni Ate Precious na umiinom sa club kasama ang mga kaibigan nito. Galit na galit si Tiyang nung nalaman nya yon, muntik nya na ngang sugurin si Ana sa Manila dahil sa nalaman nya.
Kaya isang himala talaga na masaya silang nag-uusap ngayon. Mukhang may nagawang maganda si Ana.
"GANON BA? SIGE SIGE! MAGPAPAHANDA AKO ANAK! MAGIINGAT KA DYAN AH? OH SYA MAY GAGAWIN PA SI MAMA MO. CONGRATS ULIT ANAK!!"
Masayang binaba ni Tiyang ang cellphone nya tska tumingin kila Ate Gloria na kasama si Kuya Mario at Ate Ruby-Na tila nagulat din sa lakas ng sigaw at kalabog na nangyari.
"NAKAKUHA NG SCHOLAR SI ANA SA ISANG SIKAT NA PAARALAN SA MANILA!!"
Nagsisigaw na naman sa tuwa si Tiyang. Napangiti naman ako dahil sa masayang balita ni Tiyang. Matalino naman talaga si Ana talagang minsan ay wala lang syang pakielam sa talinong mayroon sya. Masaya ako para sa kanya. Kahit naman Hindi kami close ni Ana dahil na rin masungit sya sakin minsan ay Natutuwa pa rin ako dahil nakakuha sya ng Scholar. Pangarap nya ito at mas Pangarap ito ni Tiyang para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...