: May kahabaan po ang update ko na toh. Salamat po.
BUMUKAS ang pinto ngunit nanatili akong nakaupo at nakatulala. Hindi ako makapagisip na tila nablangko ang isip ko. Basta ang alam ko lang sa mga oras na yon ay ang tanong na, anong meron sa pagitan ni Jace at Ana? Na bakit sila nagkita kanina o lagi ba talaga silang nagkikita? Hindi ko alam, di ko na talaga alam.
"Alae? Kumain ka na ba, nakahain na sa labas."
Yumuko ako ng makitang si Ate Ruby pala ang pumasok. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at tumayo, nagkunwareng nagaayos ng higaan kahit ayos naman na.
"Okay ka lang ba?"
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Opo. Nakakain na po ako pagdating ko kanina." Umupo ako.
"Bakit walang hugasin na pinagkainan mo?"
"I-inurungan ko na po agad."
Hindi pa talaga ako kumakain. Matapos sana ng plano namin ni Liza ay kakain na ko, ngunit tila naglaho ang gutom ko sa mga nabalitaan ko. Bukas na lang siguro ako kakain dahil nawalan na ko ng gana, baka hindi ko lang maubos ang pagkain at masayang lang.
"Okay ka lang ba talaga?" Tumabi sya sakin ng upo. "May problema ba kayo ni Ivan?" Dugtong nito.
Dahan-dahan pa akong tumango. "Okay lang po" Naging bulong na lang yon dahil sa takot na baka mabasag ang boses ko.
"Alam mo naman na handa akong makinig kahit ano pa yan." Huminto ito at hiwakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. "Ramdam ko na may problema ka, hija."
"M-maliit na bagay lang po."
"Maliit man o malaki, problema pa din yon. Ika nga nila ang maliit na problema kapag hindi sinolusyunan agad, Lumalaki yan. Kung ang sugat nga kapag di ginamot magkaka-impeksyon diba? Kaya kung ano man yang sugat na yan, gamutin mo agad para di lumala at lumalim."
Hindi ko na napigilan, don na bumuhos ang luha ko at pinakawalan na ang mga hikbi na kinikimkim ko. Mukhang nagulat naman si Ate Ruby at agad akong tinahan.
"Anong nangyari? Hindi lang maliit na bagay yon para sayo, hija." Hinimas nito ang likod ko.
"A-ate, kapag po ba nalaman nyo na may tinatago sayo ang taong Mahal at pinagkakatiwalaan mo, ano pong mararamdaman nyo?"
Huminga ito ng malalim. "Magagalit ako, di naman na bago ang magalit kung ganon na may tinatago sya sayo." Hinaplos nito ang buhok ko. "Pero bago ka magisip ng kung ano ano, linawin mo muna sa kanya ang lahat. Lahat Naman ng bagay na ginagawa natin ay may dahilan diba."
Tumango ako at napasinghot. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Jace, pero sa ngayon? Parang hindi ko pa kaya na harapin sya. Hindi pa sa ngayon.
"Ayusin nyo 'yang problema nyo, kayo din ang mahihirapan sa huli kapag lumaki at lumalim yan."
Hinapit nya ko palapit sa kanya at iginiya ang ulo ko para maisandal ko sa balikat nya. Yumakap ako kay Ate Ruby. Kailangan na kailangan ko ang yakap na toh.
"Magpahinga ka na ha? Maaaring bukas ay maayos na ang lahat."
Nakatulog ako ng gabing yon na tila may nakadagan na kung ano sa dibdib ko, na parang ag bigat bigat ng pakiramdam ko at mas lalo pa kong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ng hindi ako nakatanggap ng kahit anong mensahe kay Jace. Ni text ay wala akong natanggap. Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...