Napahinga ako ng malalim at sinubsob ko ulit ang mukha ko sa unan. Mabigat pa rin ang dibdib ko dahil sa nangyari kaninang umaga Namamaga pa rin ang mga mata ko ,dahil sa kakaiyak na dala-dala ko pa rin Hanggang ngayon.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ito. Masakit. Ayoko ng ganito. Bakit ba ako nasasaktan? Wala namang akong karapatan para maramdaman ito, pero kahit anong gawin ko ay hindi maalis-alis sakin. Walang level sa kung anong meron kami ni Jace, pero sana naman intindihin nya din ang mararamdaman ko.
Napakurap ako dahil may Makulit na Luha na namang tumulo galing sa mga mata ko. Nakadilat man o Nakapikit ay bumabalik parin sa Utak ko ang nangyari kahapon.
▶FLASHBACK◀
Inutusan ako ni Tiyang na magpautang ng mga Sabon at Lotion na ayon sa kanya ay galing pa sa ibang bansa. Kinuha ko yung kulay pink na Lotion at inamoy ito, Ang bango infairness.
Tumaas ang kilay ko ng malamang totoo ngang galing itong ibang bansa,dahil Hindi ko mabasa kung anong mga brand yon. Dahil na rin Hindi ko mabasa ang nakasulat dito. Inamoy ko ito at napangiti na lang dahil mabango naman.
"Ate kuha na kayo ng Lotion oh! Mabango po ito at galing ibang bansa! Sigurado akong lalong maiinlove ang asawa nyo dahil sa Bango nyo!"
Ngumiti pa ko ng pagkatamis-tamis, para mahikayat ko syang umutang. Sana madaming kumuha ng pautang. Sabi kasi ni Tiyang kanina ay ilista ko lahat ng pangalan ng taong uutang ng Paninda nya. Dahil pag nakabayad na sila ay may hati naman daw ako sa kikitain nya, Kaya pumayag naman ako agad dahil makakatulong din yon sa pagdami ng Ipon ko.
"Sigurado ka ba dyan hija?!" Tanong ni Ate kaya masayang tumango naman ako. Napatili ako sa tuwa ng sabihan nyang. "Sige na nga! Kailan ba bayaran nito?" Nilabas ko ang papel na listahan ng mga kukuha.
"Sa Isang linggo pa po. Ano nga po pa lang pangalan nyo?" Tanong ko, tska kinuha yung ballpen. "Felie. Tiga rito ako sa bahay na yan!" Tumango naman ako at tiningnan yung bahay nila.
"Sige po! Pupuntahan ko na lang po kayo dito sa bayaran. Salamat po!" Matapos kong ilista yung pangalan nya ay itinago ko na yung listahan ko.
Masayang lumiko ako sa kabilang Kanto. Ang Kalye Dela Sacrista. Namula ang mukha ko sa kadahilanang, Baka makita ko dito si Jace. Dito sya nakatira. Kaya baka makita ko sya dito.
"Alaenna, Hija?"
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman ako ng makita ko si Tita Lorna-na may bitbit na plastic na may lamang mga gulay. "Anong ginagawa mo dito Alae?" Tanong ni Tita at tapatingin sa dala kong Plastic na lagayan ko ng Paninda. "Mukhang alam ko na." Natawa naman ako, alam nya kasing madalas may pautang si Tiyang. Sikat na talaga si Tiyang pagdating sa mga ganito.
"Gusto nyo po bang kumuha? Sa Isang Linggo pa po ang bayad." Napaisip naman ito tska tumingin sakin. Napapalakpak naman ako ng tumango-tango sya. "Ano ba yang paninda mo?" Inilabas ko yung mga Sabon at Lotion. May kinuha syang kulay pink na Lotion at inamoy-amoy ito.
"Nako! Naamoy ko po yan kanina. Mabango po diba?" Tumango naman sya sakin at tumingin-tingin sa mga Sabon.
Kumuha sya ng Sabong kulay orange. "Ito na lang hija. Magugustuhan ni Liza ang mga ito." Ngumiti naman ako. Matutuwa talaga si Liza dahil mahilig sya sa mga ganyang Pampaganda.
Kukuhanin ko na sana yung Listahan at Ballpen sa bag ko ng makita ko si Jace- Kumunot ang noo ko ng makitang may kasama syang Babae. Mukhang nagkakatuwaan pa sila dahil pareho silang nakangiti. Napasibangot naman ako ng makitang Hinimas nung Babae yung braso ni Jace. Langyang Lalaki na yon dahil tumawa pa talaga sya. Napayuko ako ng makitang bumulong yung Babae kay Jace.
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Storie d'amore[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...