I nearly dropped the hoodie I was holding when her deep hazel brown eyes locked on mine. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya ngayon dahil walang akong emosyon na nakikita sa kanya. I almost don't recognize her, but I suppose that's how it is when you've known someone for a long time and become a part of your life.
na kahit lumipas man ang ilang taon ay makikilala at makikilala mo pa rin ito. You will feel it, your heart will recognized it.
Wearing a crimson tight dress that accentuated those gushing curves to perfection. Her elegance was emphasized by her red matte lipstick. Her face is also coated in thick dark make-up.
"L-liza"
yon lang ang nasabi ko habang nakatitig ako sa kanya. Wala pa rin syang emosyon at nanatili lamang ang titig sakin.
"It's b-been a while."
Her face didn't change even just a little. Hindi ito gumagalaw na tila ba hindi lang ako ang nabigla sa mga oras na ito.
"No. It's been years. Five years."
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Nang marinig kong muli ang boses nya makalipas ang limang taon ay halos tumakbo ako palapit sa kanya upang mayakap sya ng mahigpit.
"Staring at you makes me mouth the words I've been dying to speak."
Hindi ko pinaghandaan ang mga gagawin at sasabihin ko kung sakali man na dumating ang araw na ito. Planuhin ko man ay alam kong hindi ko din masasabi lalo na ngayon na nandito na sya mismo sa harap ko.
However, whether it's awful or good, I'm willing to listen everything she has to say. I deserved it anyway-
"HINAYUPAK KANG BABAE KA NANDITO KA LANG PALA!! MISS NA MISS NA KITA BRUHA HUHUHU!!"
Halos mabuwal ako sa pagkakatayo ng bigla itong sumugod patungo sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. As in mahigpit na mahigpit na halos hindi na ako makahinga.
Hindi ko na nagawa pang suklian ang yakap nito dahil sa sobrang pagkabigla. Sino ba namang hindi mabibigla diba? Akala ko naman ay magdadrama kami dito o kaya mumurahin at sasabihan nya ko ng mga masasakit na salita pero heto sya ngayon-
Umiiyak sa leeg ko at parang bata na ayaw bumitaw sakin. Hindi ko na pinansin pa ang mga bodyguards na napapatingin samin dahil sa humahagulgol na ngayon si Liza.
"Ang tagal tagal mong nawala! Ang daya mo huhu ni hindi mo man lang naisipan na magpaalam bago ka dumito sa Manila, kahit text wala!"
Hindi ko na din mapigilan na umiyak dahil sa ginawa ko sa kanya. Liza is my best friend who always been their from the very beginning, at ako itong gaga na kaibigan na bigla na lang naglaho at nang-iwan.
"Sorry sorry! Sorry talaga! Gustong-gusto kong puntahan ka at magpaalam sayo pero ang bilis ng mga pangyayari liza. Nagulat na lang ako na nandito na ako sa Manila!"
I lost track of how I came to where I am now due to the rapid pace of things that happened, I can't really ascertain the exact details about how I ended to where I am now because, it happened to fast! Ang alam ko lang ay nasa manila ako para mag-aral pero sa iba't-ibang daan ako dinala ng Manila.
and now I'm right here.
"Ang mahalaga ay nakita na ulit kita. Gusto kong malaman ang mga nangyari sayo pero sapat na sakin ngayon ang makita at mayakap ka ulit!"
Napasinghap ako at hindi mapigilan ang pagbuhos ng masasaganang luha. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon nya pero nagpapasalamat ako ng sobra dahil sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay nandito sya at handa akong tanggapin ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/161799203-288-k698894.jpg)
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...