Chapter 33: R18

2.1K 44 2
                                    


WARNING ⚠️ SPG ALERT!!!!

DINALA ako ng mga paa ko sa tagpuan namin ni Jace. Sa kaisipan na baka hindi na kami muling magkita at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita sya bago ako umalis. Bitbit ko ang mga gamit ko habang binabaybay ang madamo at mabatong daan patungo sa talon.

Kinapa ko ang calling card na nasa bulsa ng pantalon ko at sinuksok ng mabuti yon sa loob dahil baka biglang malaglag o mawala. Mahirap pa naman na hanapin yon dahil nga madamo dito.

Napangiti ako ng matanaw ko na ang talon at ang payapang tunog na nililikha ng tubig mula rito. Kung papipiliin ako, nais ko pa din na manirahan na lang mismo dito. Medyo tago ang lugar at mayroong payapang kapaligiran.

Mula sa kinatatayuan ko ay lumabas ang imahe naming dalawa ni Jace na masayang nagtatampisaw sa tubig. Napaluha na naman ako ng bumalik na parang flackback sa movies ang mga ala-ala na naipon namin sa lugar na ito.

Dahan-dahan akong bumaba mula sa mga bato at tumakbo patungo sa talon. Binaba ko ang dala kong bag at dahan-dahan na lumusong sa tubig.

"Ayts" Napangiwi ako ng maramdaman ang lamig ng tubig sa aking balat at napatili.

Ngunit napangiti na rin sa kaisipan na baka ito na ang huling beses na mararamdaman ko ang lamig ng tubig mula rito.

Isinahod ko sa aking dalawang kamay ang tubig at hinilamos ito. Umikot ang paningin ko sa talon. Malakas ang bawat pagbagsak ng tubig mula sa itaas at tumatama ito sa mga naglalakihang bato sa ibaba.

Hinawi ko ang aking buhok bago pumunta malapit sa ilalim ng talon. Dinama ko ang tubig na bumabagsak mula rito at pumikit. Hinayaan ko ang aking sarili na tumayo mula roon hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos at ang pagtunog ng mga tuyong dahon.

Lumingon ako at bumalik sa pinagiwanan ko ng aking mga gamit sa takot na baka makuha yon ng taong nagsanhi ng ingay.

"May tao ba dyan?"

Tumayo ako kahit na basang basa. Dala ang bag ay nagtungo ako sa kubo na dati na naming pinuntahan ni Jace ng makailang beses.

Ang sabi ni Jace ay kami at ang mama nya lang ang may alam ng lugar na ito dahil hindi rin naman pansinin ang lugar dahil natatabunan ng nagtataasang damo at naglalakihang bato ang talon.

kaya sino kaya yon?

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bukas ang gawa sa kawayan na pinto ng kubo. Tinakpan ko ang aking bibig at marahan ang bawat hakbang na lumapit roon. Sino kaya yon?!

Sumilip ako mula sa gilid ng pinto at halos tumakbo ako palayo ng makita kung sino ang naroon.

Kami at ang mama lang ni Jace ang may alam. Bakit hindi ko naisip na baka sya ang narito?

Oo!! Si Jace ang nasa loob ng kubo at nakayuko sa gawa sa kahoy din na lamesa. Mula rito sa kinatatayuan ko ay pansin ko na ganoon pa din ang suot nya. Mukhang dito yata sya dumeritso matapos ang eksena na naganap sa pagitan naming dalawa.

Humawak ako sa pinto at pinagmasdan syang mabuti. Kahit nakayuko ay dama ko na malungkot ito. Tipid na napangiti ako at hinayaan ang sarili na pagmasdan pa sya ng ilang saglit. Mabuti na rin siguro na nakita ko sya rito sa huling pagkakataon.

Napatago ako ng wala sa oras ng biglang nagtaas ito ng tingin at mukhang naramdaman nya na may nakatingin sa kanya, dahil tumingin tingin ito sa paligid.

Mahigpit na hinawakan ko ang bag na dala ko at mabuti siguro na umalis na agad ako bago nya pa ako makita.

"R-ruiz?"

Napalingon ako. Wala sya sa pinto at hindi ko sya nakikita ngayon. Nasa loob pa rin sya. Mukhang nakatunog yata sya at malamang ako lang ang maiisip nya na maaaring narito.

Until When (COMPLETED) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon