"Ano?!! Wala ka bang sasabihin?!"
Tila nairita na sya, dahil natili akong nakatunganga sa kanya. Namumula din ang pisngi ko. Maniniwala ba ako sa mga sinabi nya? Sobrang bilis naman dahil nagustuhan nya agad ako. Hindi kaya niloloko nya lang ako?
"A-ang bilis mo naman kasi. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba talaga kita. Kung may katotohanan ba yang sinasabi mo. H-hindi kaya nalilito ka lang?" Napaasik lang sya at ginulo nya pa ang buhok nya.
"Exactly! Mabilis nga, I know! Pero kahit anong pigil at tanong ko sa sarili ko ay Hindi ko pa rin talaga alam. Gusto kita." Nagulat na lang ako ng hablutin nya ulit ako A-at niyakap. Mahigpit. Sumuksik sya sa leeg ko na syang nagpainit sa mga pisngi ko. I've love this feeling.
"Gustong gusto kita."
Mas lalong uminit ang pisngi ko, kaya itinago ko ang mukha ko sa malapad nyang dibdib. Hindi ko pa sya nakikilala ng mabuti. Pero parang kilalang kilala ko na sya. Yung puso ko, walang nararamdamang kahit anong kaba. I feel really comfortable when I'm with him.
Ibang iba ang tibok ng puso at pakiramdam ko pag kasama ko sya. Feel kong safe ako. Hindi tulad sa school na limitado lang ang galaw ko dahil na rin sa mga taong naghihintay lang ng maling magagawa ko, para may ipanglait sila sakin. Sabi sakin ni Liza na baka naiinggit sila sakin. Pero ano bang dapat na ikainggit nila sakin? Hindi naman ako kagandahan, Hindi din naman ako mayaman. Walang magulang. Anong nakakainggit don? Kaya Hindi ako naniniwala na inggit sila sakin. Baka talagang ganon lang ang mga ugali nila.
I'm feeling safe when I'm with him. Masaya ako. Masayang masaya. Yung sayang ayoko ng matanggal pa. Yung sayang, alam kong totoo. Yung sayang sakanya ko lang nararanasan.
Well, Masaya naman ako pag kasama ko si Liza at ang pamilya nya. Second Family ko na rin sila. Masaya din naman ako dahil nandyan si Tiyang Esme. Kahit na paminsan ay Hindi nya ko tinuturing na pamilya ay inalagaan nya pa rin ako. Pinag'aral.
Narinig ko ang pagbigat ng hininga nya. "A-anong pangalan mo?" Tanong nya. Oo nga! Nahalik--Wait?! Bakit ba iniisip ko yon? Anyways, Yakapan na kami ng yakapan pero ni Hindi pa namin kilala ang isa't-isa.
Tumingala ako sa kanya. "Alaenna. Alaenna Ruiz Sandoval. But everyone call me Alae as my Nickname. I-ikaw?"
Syempre kailangan ko naman ding alamin ang pangalan nya! Hindi naman pwede na tawagin ko syang "Lalaking barumbado pero gwapo" Ayaw ko namang malaman nya, na Simula pa lang nung una ay naggwapuhan na ako sa kanya. Turn off naman siguro yon diba? Hell Yes!!
"Ivan. Ivan Jace Villafuerte. Madalas nila akong tawaging Ivan..pero iba ka sa kanila, So I let you call me Jace rather than Ivan."
Ibig sabihin ba non ay ako lang ang tumatawag sa kanya ng 'Jace'?--
"Alam ko yang iniisip mo and Yes ikaw lang ang maaaring tumawag sakin ng Jace. Ikaw lang." Sabi nya pa na syang nagpakilig sakin.
Special ako? Ganon yon diba? Kasi ako lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya ng Jace. At sa tingin ko dapat ganon din ako. I have a second name. Maybe I can let her call me Ruiz na syang second name ko. Sya lang din naman ang unang taong tatawag sakin ng Ruiz kung sakali. Yes. Special din sya sakin. Because he always make me feel that there's someone who care for me. And that's him.
"Hmm. Tawagin mo na lang akong Ruiz..yon yung second name ko. I-ikaw lang din ang tanging taong tatawag sakin ng Ruiz." Napangiti sya sa sinabi ko.
"Talaga?" Tumango naman ako bilang sagot. Napangiti naman sya sa sinabi ko ay at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Simula ngayon. Tatawagin mo na akong Jace at tatawagin naman kitang Ruiz. At Simula din ngayon wala ng kahit sino pang tao ang tatawag satin ng Jace at Ruiz. Okay ba?"
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...