Ginising ako nang isang malakas na sigaw, Kaya kahit ramdam ko pa rin ang antok ay wala ako sa sariling bumangon.Its Saturday. Walang pasok ngayon kaya medyo tanghali na akong bumangon, puyat din kasi ako kagabi dahil nagligpit pa kami ng mga mesa at nag'ayos. Nakatoka sakin ang paghuhugas ng pinagkainan at mga baso kaya naman namamaga ang mga palad ko. Natapos ko naman nang maayos ang Gawain ko.
"ALAENNA SANDOVAL !!!"
Napatayo naman ako nang mabilis dahil sa lakas ng boses ni Tiyang Esme at sinabayan pa yon ng matinis na boses ni Ana.
Pag-balik ko kasi kagabi sa bahay kasama si Jace dahil nga binalikan naman ang kapatid nyang si Jack -Na Sobrang cute!! Mukhang sumplado ang features nya tulad ng kay Jace pero ang Cute talaga ng kapatid nya. Mag-kasalubong ang mga kilay nito ng balikan ng kuya nya kagabi. Agad naman itong pinakain na ni Jace para makabawi sa kapatid. Lumipat din ako sa lamesa nila kagabi at don na kumain.
So iyon nga..Pag-balik ko kagabi ay Hindi ko na napansin si Tiyang at Ana. Ang sabi ni Ate Ruby, ay nagpa-hinga na ang mag-ina. Tinuloy pa rin ang program pero Hindi na sila nagpakita pa. Nagulat din ako at Nagtaka dahil Hindi nila ako inabangan para pagalitan. Bumuntong hininga na lang ako,
Inayos ko muna ang pinag-higaan ko at Kumuha na ng tuwalya at Hinanda ang susuotin kong simpleng Pink T-shirt at Pinsrisan ng Hindi naman kaigsiang maong short.
"Maliligo lang po ako!" Sigaw ko bago pumasok na sa CR para makaligo na.
••••••
Mahigit isang oras akong naligo at bahagyang nagayos ng sarili bago ko napag-desiyunan na bumaba na. Tumingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa kwarto ko. Alas-dyis na pala. Nagkibit balikat na lang ako at Pumuntang Kusina.
"Alaenna! Magandang umaga."
Nakangiti naman akong bumaling kay Ate Gloria na may dalang Peeler at Bayong na sa tingin ko ay naglalaman ng mga gulay.
"Magandang umaga rin po. Anong gagawin mo dyan Ate?" Tinuro ko ang mga gulay.
"Nako. Magluto pa daw ng Chap Suey. Kaya eto at sinisimulan ko ng gayakin." Tumango naman ako at humila ng isang upuan sa harap nya. Pero agad ding tumayo para kumuha ng peeler, dahil isang peeler lang ang dala ni Ate Gloria. "Tulungan ko na kayo." Ngumiti naman si Ate Gloria at Tumango. Dinampot ko naman ang mga Carrots para simulan nang balatan.
"Sino yung lalaki kagabi?" Natigil ako sa pagbabalat nang tanungin nya ko. Umiling lang ako. "Si Ivan po." Sagot ko. Tumango naman agad sya. "Alam ko. Sabi nga ni Esme." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit nya pa ako tinanong kung ganon?
"Ang ibig kong sabihin ay, Mukhang Close kayo" Tumango naman ako ng bahagya. "At ang sabi pa ni Esme ay, Ikaw daw ang dahilan kung bakit tinulak nung Ivan si Ana." Inilagay ko naman sa isang malaking lagyanan ang carrot na natapos kong balatan, Bago tumingin sa kanya.
"Hindi naman siguro. B-baka nabigla lang sya sa pagh-halik ni Ana sa kanya kagabi. Kaya nya naitulak." Nagkibit-balikat lang sya bilang sagot.
Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nya naitulak si Ana. Hindi ko naman talaga nais na tumakbo kagabi. Pero Ewan ko, Parang yung mga paa ko na ang nag-desisyon para tumakbo. O baka, Hindi ko talaga nagustuhan yung nakita ko kagabi.
Ano ba kasing naisipan ni Ana at hinalikan nya si Jace? Eh unang beses nya pa lang nakita si Jace pero nanghahalik na sya agad. Ganon ba ang tinuro ng Manila sa kanya? Napailing na lang ako. Hindi naman siguro. Tignan mo't nakapag-aral at nakakuha ng scholar.
"Ganoon ba. Wag mo sanang masamain pero mukhang may relasyon kayo?"
Napalunok ako at Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala naman kaming relasyon, Kaya umiling ako bilang sagot. Tumango naman sya. Magsasalita pa sana ito ng...
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romance[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...