MAAGA akong nagising kinabukasan para matawagan si Calix. Sinabi ko rito na baka si Josiah lang ang makakasama ngayon dahil nga sa celebration na sinasabi ni Leila. Naiintindihan nya naman daw, bago daw ako umalis mamaya ay susunduin nya ang bata dito.
Nilingon ko si Josiah na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko. He has his own room but he preferred to sleep next to me, because he used to do it. Nais ko din naman na katabi itong matulog lalo na't madalang ko lamang ito makasama, dahil sa trabaho.
I yawned and put on my black robe. I went inside the comfort room and did my daily morning routine. Pasado alas-sais na ng umaga. I went outside the room and decided to work-out first, before cooking breakfast. it is very convenient for me that I have my own gym inside our condo unit. Hindi ko na kailangan pa na lumabas kahit na may sariling gym naman ang building.
"Goodmorning, baby. Come here."
Pumasok ako sa loob ng silid para gisingin ito. Kakatapos ko lang magluto at plano ko na kumain muna kaming mag-ina bago ko sabihin ang pagsundo sa kanya ng Ninong Calix nito.
"Morning, mom."
Hinalikan ko ito sa pisngi at binuhat sa bisig ko. Agad naman itong yumakap sakin habang kusot-kusot ang mata.
"Are you hungry na? I cooked breakfast."
Tumango ito at sinandal ang baba sa balikat ko. Napangiti ako at hinalikan itong muli sa sentido.
Inupo ko ito sa upuan nya at agad na tumabi dito. Nagluto ako ng corn beef, eggs at spam para sa agahan. Sinandukan ko ng fried rice at ulam ang plato nito na spiderman pa.
"Mom, why my plate doesn't look like yours."
Kumunot ang noo ko. My plate is glass plain white. Plastic plates lang ang pinapagamit ko dito dahil baka mabasag at madisgrasya pa ito, na syang iniiwasan kong mangyari.
"It's so childish."
Suminghap ako at tumingin sa kanya. Nakasimangot ito habang tinitingnan ang plato nya at ang plato na gamit ko.
Napailing na lang ako. "It's not childish for you age, anak."
"I want your plate, mommy."
Hinalo ko ang fried rice na nasa plato nito para mabilis na lumamig.
"When you're old enough na, baby."
"I am, if you stop calling me 'baby', mom."
Huminga ako ng malalim. Manang-mana talaga sa ama nya. Napaka-suplado.
"Eat your food na."
Tumayo ako at kinuha ang tinimpla kong gatas at coffee with cream na para sakin. Mabuti na nga lang at iniinom na nito ang gatas na pinabili ko pa kay Leila.
Nang makabalik ako sa pagkaka-upo ay tska ko lamang binuksan ang usapan tungkol sa pagsundo sa kanya ni Calix.
"You miss your Ninong Calix, right?"
Sumubo ito ng kanin at tumango.
"I miss playing with him."
"Then you will play with him, again."
Nanlaki ang mga mata nito. "When!?"
"Mamayang tanghali, anak."
"I should took a bath na, mom!"
Hindi pa tapos ang pagkain nito ng kumapit na agad ito sa braso ko at nagpupumilit na bumaba sa high chair.
"8:30 pa lang, anak. You have a lot of time to take a shower."
BINABASA MO ANG
Until When (COMPLETED) [Under Editing]
Romantizm[Completed] + [Under Editing] Mataas ang pangarap ni Alaenna para sa kanyang sarili. Ulila na sya simula pa pagkabata at ang tiyahin nya ang syang tumayong magulang at syang tumutugon sa mga pangangailangan nya Hindi naging maganda at maayos ang buh...