Chapter 18: Their Deal

412 37 1
                                    

Chapter 18: Their Deal

Ariana’s POV

Dahil walang ginagawa NSTP natulog nalang kami kasi 3 hours din ang itatagal ng klase namin. Nung magising ako after 30 minutes mahigit wala na si Yana sa tabi ko, sina Irena naman nakatungo sa mga desk nila at nakikinig ng music mukhang tulog parin sila. Tumingin ako sa likod kasi nandoon ang mga kaibigan ng kaaway ni Yana and tama nga ang hula ko wala doon ang kaibigan ng mga lalaki na nasa likod ko hindi naman sila tulog pero merong nakikinig ng music, nagdadrawing sa binder at meron pang naglalaro ng psp niya.

Lumabas muna ako at pumunta sa cr nag-hugas ako ng kamay. Nagsuklay at nagpulbos din ako. Nakasalubong ko si Yana na mukhang naharassed ang itsura medyo magulo ang buhok niya, haggard at isa pa wala siyang sapatos anong nangyari dito. Hindi niya pa ako napapansin so parang ang lalim ng iniisip niya.

“Hoy.” Tawag ko sa kanya.

Ayaw ko siyang gelatin kasi mamaya masuntok pa ako nito. Hindi niya parin ako pinapansin bingi ba ito.

“Yana, hoy!!” I called again.

Humarap na siya sa akin. Nagulat pa nga nung makita ako sa tabi niya.

“B-bakit ka n-nandito?”

“Ako ang dapat magtanong niyan, why are here anyway?”

Bumuntong hininga siya at kumunot ang noo mukhang merong naalala. Paiba-iba ang mood ng babaeng ito.

“Yung walang hiyang lalaking yun, humanda siya sa akin mamaya.” Nanggigigil na sabi niya.

Oo nga pala before I forgot bakit wala siyang suot na isang sapatos. Wala naman masyadong tao dito sa hallway pero yung mga nakakakita sa kanyang walang isang sapatos ay pinagtatawanan siya, yung iba nagdadakdakan pa tulad ngayon.

“Taghirap na ba ang mga estudyante dito ngayon girl at wala nang pambili ng sapatos.” Let’s call her echosera number 1.

Kahit tahimik ako ayaw ko naman na inaapi ang mga kaibigan ko because I always treat them as my real sisters.

“Baka nga girl.” Echosera number 2.

“How poor.” Echoserang number 3.

Grabe makapang-lait ang mga ito hindi ba nila kilala si Yana and her family, baka mas poor pa sila pag pinagkumpara sila.

Parang gusto na atang patulan ni Yana ang mga ito but I stopped her walang mangyayari kung papatol siya sa mga yan.

“Tara na, nasaan ba kasi ang sapatos mong isa?” I asked her.

“Na kay walang hiyang gorilla lang naman.”

O____o

Bakit??

“Bakit nasa kanya?”

“Ibinato ko sa kanya tapos ayon itinakbo na at ayaw ibigay.” Gigil na gigil na sagot niya sa akin.

“Bakit daw?”

“He said that I should agree with his proposition and then he will return my shoe.”

“Anung sabi mo?”

“Umoo na ako pero ayaw niya parin ibalik sa akin. Ibabalik niya lang daw iyon kapag nakausap na niya ako mamayang uwian.”

Tumango-tango nalang ako, nagpatuloy na kami sa paglalakad at pagkapasok namin sa auditorium gising na sila.

“Oh anung nangyari sayo?” Tanong ni Lexi kay Yana.

“Long story.” Sabay titig niya ng masama kay Ken.

Nakiki-Ken na din ako nakakasawa na kasi ang kaaway ni Yana o kaya naman ang lalaking nang-iinis kay Yana ang haba ng sasabihin.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon