Chapter 19: Telling Them

227 35 1
                                    

Chapter 19: Telling Them

Yana’s POV

Pagkatapos namin makuha yung contract namin hinatid niya ako sa school kasi sabi ko doon niya ako dalhin kasi nandoon yung sasakyan ko. Ayaw kong iwan iyon doon lalo na Sunday pa tomorrow.

“Sa Romualdez Racing Field tayo tomorrow.” I said to him pagkalabas na pagkalabas ko sa sasakyan niya.

Grabe ang bilis tomorrow na agad niya yung race na sinasabi niya ni hindi manlang ako makakapaghanda.

“Alam mo yung Romualdez Racing Field.” Tumango-tango ako mukhang nagulat siya na alam ko iyon.

“Bakit?”

“Eh malapit lang naman iyon dito. Paanong hindi ko malalaman anung gusto mo sa malayo pa tayo. Sige pwede naman akong sa ibang bansa basta ba bayaran mo ang pamasahe ko.”

Parang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. Anong problema nito.

“Sige tomorrow nalang. 10am sharp kapag wala ka doon ng 10am ihanda mo na ang mga condo namin. Or I’ll see you in court.” Pagkasabi niya nun pinaharurot niya na yung sasakyan niya.

Bastos talaga ang lalaking iyon buti nalang hindi masyadong nagbuga ng usok yung sasakyan niya. Papasok pa ako sa school kasi sa labas lang naman niya ako hinatid.

>______<

“Hi manong guard.” I greeted him with a smile.

“Oh bakit nandito ka pa?”

“Naiwan ko po sa loob yung sasakyan ko kukunin ko lang po. May kasama kasi ako kaninang lamang lupa kaya naiwan yung sasakyan ko.”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Sige na ng makauwi ka na.” Pumasok na ako sa loob at pinuntahan ang baby ko kung saan nakapark. Wala na ang mga sasakyan nina Irena panigurado nasa bahay na ang mga iyon.

Bago ako sumakay nagring ang cellphone ko. Si Lexi tumatawag.

“Oh Lex.” Sagot ko sa kanya.

‘Anong oh Lex ka dyan nasaan ka na bakit kasama mo si Ken kanina?’

“Long sto---.” Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita.

‘Ayan na naman ang sasabihin mo kanina mo pa yan sinabi. Gasgas na ang linyang iyan.’

“Basta magpunta kayo sa bahay ko may sasabihin din ako.”

Binabaan ko na siya at sumakay na sa sasakyan ko. Nagdrive na ako palabas ng school. “Bye manong guard see you on Monday.” Ngumiti pa ako.

Habang nagdadrive ako hindi ko alam ang mga sasabihin ko sa kanila. Grabe hay buhay parang life. Dahan-dahan lang din ang pagmamaneho ko para makapag-isip ako.

When I reached my house I saw the lights already turned on so that means they are here already. What was I thinking of course they’re here I was the one who told them to come. I click the button for the garage to open and parked my car inside.

Pagkalabas ko ng sasakyan bitbit ko na ang backpack ko, bumuntong hininga muna ako kasi kanina pa akong nawawalan ng hininga. Binuksan ko na yung pinto at nagbuntong hininga ulit. Nang makita nila ako itinaas ko agad ang kamay ko kasi mamaya parang armalite na naman ang mga bibig nila sa kakatanong.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa single couch sa salas ko. At ang mga walang hiya talagang nanguha ng mga makakain nila ubos na naman for sure ang mga stocks ko ng pagkain. Bakit ko nga bang naisipan na dito sila papuntahin.

“Anong nangyari?”

“Bakit ngayon ka lang?!!”

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin?”

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon