Chapter 2: Meeting her RIVAL

8.1K 143 102
                                    

Chapter 2: Meeting her RIVAL

Yana’s POV

Napalingon ako kung sino ung bumusina sa amin limang sasakyan din.

Naglakad ako papunta sa pinaka unang sasakyan na nasa harap. *O* gravyliciousness ang pogi. Pero *iling-iling* hanggang pagappreciate ng pogi lang ang pwede kong gawin.

Humarap ako sa kanya. “W-why?” Nauutal na tanong ko kay kuyang pogi. Shetness nautal pa ako dahil sa gwapo niya. Napapamura pa ako sa sobrang gwapo.

“Move it!” Sagot naman niya.

“W-what?” Nagtataka kong tanung sa kanya. Anu yung imomove ko.

“I said move it!!” Naiirita niyang tanong.

Aba’t ang sungit naman nito ang pogi pogi napakasungit. Anu ba ung imomove ko siraulo pala siya eh. Sinisira niya ang magandang umaga ko dahil sa pagsusungit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “What will I move??!!” Naiirita ko ding tanong sa kanya. Nakatingin lang sa akin ang mga kaibigan ko.

Kumunot naman ang noo niya sa akin, tapos sinigawan ako ng “YOUR CARS!! YOUR CARS!!! I.SAID.MOVE.YOUR.CARS!!!!” Aba’t bakit siya naninigaw eh sa hindi ko naman talaga maintindihan nung una.

Nakakairita na tong si poging kuya ha. Akala ba nya porke’t pogi siya hindi ko siya papatulan. Pwes nagkakamali siya.

“At bakit naman namin aalis ang mga sasakyan namin dito?!” Pasigaw ko ding tanong. Ang ganda-ganda ng araw ko sinisira niya. Sayang pogi pa naman ang sungit sungit.

“Tss. Hindi ba Obvious Ms.?? Kasi dyan kami magpapark kaya tanggalin niyo na ang mga sasakyan niyo dyan!!” Naiirita na niyang sigaw sa akin.

“Bakit may mga pangalan bang nakasulat sa parking na ito. I DON’T SEE ANY NAMES ON IT!!!” Sigaw ko din sa kanya. Hinahigh-blood na ako dahil sa kanya ha. >________<

“Yana tama na yan. Alisin na lang natin ung mga cars natin dito para wala ng problema. Baka malate pa tayo pag pinatulan mo yan, meron pa namang ibang parking dyan eh kahit hindi magkakatabi ang mga sasakyan natin.” Sabi sa akin ni Lexi sa akin. Nakalapit na pala sila sa akin. Kahit kasi makulit yan mabait ‘yan pero depende rin kung masosobrahan. At isa pa baka malaman ng mga parents namin na nakikipag-away kami first day na first day ng pasok.

“Anu ka ba Lex??!! Tayo kaya ang nauna dito sa parking bakit natin tatanggalin ang mga sasakyan natin??!!” Naiirita kong sagot sa kanya. Totoo naman aa di ba din nila first come, first serve so bakit namin tatanggalin ang mga sasakyan naming dito. >_______<

Kahit may shares ang family ko, family namin sa school na ’to ‘di namin ginagamit iyon para sa benefits namin. Tulad na lang nito hindi kami nagsabi sa school kung saan talaga naming pwesto gusto magpark, kahit nung umpisa pa lang ay tinatanong na kami. Umiling lang kami at sinabi sa principal na ‘hindi naman po kailangan, at isa pa gusto po namin na wag niyo kaming ituring na special dahil lang may mga shares kami sa school na ito.’ Yan ang sinabi naming sa kanya, nginitian niya lang kami.

“Yana tama si Lex. Baka malate na tayo sa first class natin pag pinatulan mo pa yang mga yan.” Sabi nama ni Ariana.

“Excuse me lang mga miss pwede bang pakidalian, nagmamadali din kami.” Singit naman ni poging kuya na di na pogi sa paningin ko mukha na siyang gorilla na umuusok ang ilong. Bumaba na siya sa sasakyan niya. *O*

OHHH EMMM TO THE GIIIEEE hindi lang pala poginess itong si kuya, kundi yummylicious din siya.

“Baka matunaw ako sa pagtitig na ginagawa mo sa akin miss. At last na warning ko na ito MOVE YOUR CARS!!” Mayabang at maangas na sabi niya sabay smirk.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon