Chapter 5: First Kiss or Just a Dream

7.7K 126 63
                                    

Chapter 5: First Kiss or Just a Dream

Andrei’s POV

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria naiisip ko pa rin yung babaeng sumipa kay Ken, ang lakas ng loob nung babaeng ‘yon siya lang ang nakagawa ng ganon kay Ken. Kaya siguro humiwalay muna sa amin si Ken kasi nag-iisip ‘yon kung paano niya magagantihan yung babaeng ‘yon. Dahil sa pag-iisip ko hindi ko napansin na may nakabangga na pala ako.

Tinitigan ko yung mga kasama ko at ang mga walang hiya wala na sa tabi ko. Nauna na siguro sa canteen hindi manlang ako hintay. Just great.

“Ouch, myghad ang sakit ng pwet ko huhuhuh.” Ungot nung nakabangga ko.

Tinignan ko yung nabangga ko. And wow just wow I think I have seen an angel nope that’s not the right term the right term is a GODDESS. Yes the right term is GODDESS sa katawan pa lang niya wala ng tatalo at sa maamo niyang mukha. Hindi makabasag pinggan. Napanganga ako sa itsura nung nakabangga ko dali-dali kong inabot yung kamay ko sa kanya. “Miss are you okay?” I asked her in a sweet voice sabay ngiti sa kanya ng napakatamis. “Here let me help you.” Alok na tulong ko pa sa kanya.

Hindi niya kinuha yung kamay ko at kusa siyang tumayo. “I can stand on my own I don’t need any help from someone who bumped into me. Do you think I’m alright after what you did to me?” Inis na singhal niya sa akin.

Mukhang mataray itong babaeng ito so mali ang description ko na hindi makabasag pinggan or is she just having a red day kaya mainit ang ulo niya.

“Sorry ulit miss, gusto mo ba dalhin kita sa clinic?” Tanong ko mukhang nasaktan kasi talaga siya nung nabangga ko siya.

Inirapan niya ako at pinagpagan ang sarili niya. “No need.” Sabay tumalikod siya sa akin.

“Ahm miss?” Tumingin siya sa akin. Nginitian ko ulit siya ng mapakatamis. “I’m Andrei Peralta, Drei for you.” Sabay lahad sa kanya ng kanan kong kamay ko at ngumiti sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Sorry I don’t touch or talk to strangers so if you’ll excuse me.” Mataray na sabi niya at iniwanan niya na ako. Ang taray naman nung babaeng ‘yon ako na nga ang nagpakilala kung makaasta akala mo sobrang ganda niya. Well sobrang ganda niya naman talaga na ang isang tulad ko ay natulala sa kanya, pero napakasungit sayang ang ganda niya kung ganun ang ugali niya.

I’m a playboy but I am not having s*x with other girls, I’m just flirting with them. Ayaw kong makipag-s*x kung kani-kanino lang I want to give my virginity to someone that can really stole my heart. Nakakabakla mang sabihin pero I am in love with the person who have my first kiss kahit bata pa lang ako nung nangyari ‘yon I think if I see that girl again I can remember her. Tama na nga itong kabaklaan ko na ito.

Pinagwalang bahala ko na lang yung babaeng iyon at naglakad na papunta sa cafeteria. Lagot sa akin ang mga ugok na iyon iniwan talaga ako.

Yana’s POV

Kring kring , vibrate vibrate

Kring kring , vibrate vibrate

Kring kring , vibrate vibrate

Nagising ako dahil sa tunog at vibrate ng cellphone ko. Hindi ko na tiniganan ang caller at sniwipe ko na ang answer button.

“H-hello.” Mamalat malat kong sagot. Siyempre kagigising ko lang kaya ganyan ang boses ko.

“Yana na saan ka na? There’s only 10 minutes before magtime.” Si Dione yung tumawag.

Ano daw 10 minutes before magtime matagal bago nagsink in sa akin yung sinabi niya. Sa gulat ko bigla akong napatayo dahil doon biglang kumirot yung ulo ko.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon