Chapter 17: The PROPOSITION

417 44 4
                                    

Chapter 17: The PROPOSITION

Ken’s POV

Saturday ngayon at NSTP lang mamayang 12 ang pasok namin. It’s been a month simula nung makilala ko si Alyana ‘Yana’ aka Ms. Amazonang Espasol at simula nun hindi na kami natapos sa kakabangayan.

Balak namin nina Drake magmall saglit kasi mamaya pa naman ang pasok ng 12 it’s just 8am at nag-aayos na ako. Tinext ko nalang sila na 10 kami aalis dito saglit lang naman mag-papalamig lang sa mall at kakain.

Kagabi kasi doon kami sa bahay ni Drake natulog, kababalik ko lang dito dapat nga pupunta kami sa tambayan kaso tinamad na kaya hindi natuloy. Kaya sa bahay nalang ni Drake kami nagpunta at tumambay. Halos kauuwi ko palang yung iba tuloy pa doon. Kailangan ko nang mag-ayos para mamaya.

After an hour or so nagpunta na ako sa garahe para kunin ang sasakyan ko, nasa labas na din daw sila. Pumasok na ako sa sasakyan at inilapag ang bag ko sa passenger seat. Paglabas ko sa garahe nandoon na nga sila hindi topdown ang gamit namin kasi hindi na namin masyado nagagamit ito kasi laging topdown ang ginagamit namin.

Bumusina ako senyales na umalis na kami. Wala pang 15 minutes nasa mall na agad kami, malapit lang naman kasi ang mga mall sa amin. Nagparking kami sa second floor, may napansin akong pamilyar na mga sasakyan. Doon kami sa harap nun nagpark. Iniisip ko kung saan ko nakita ang mga sasakyan na iyon.

Isip

Isip

Isip

Ayun naalala ko na doon ito kay amazona ito at sa mga kaibigan niya, ito yung mga sasakyang pinasira ko ang windshield nagawa na pala. So nandito din pala sila sa mall, ngumisi ako mukhang mapapadali ang plano ko. Alam ko naman kasing inis na inis na sa akin si amazona na Yana lagi ko kasi siyang binubwiset at inaasar. Alam kong gusto na niyang matapos ito.

Pumasok na kami at nag-ikot-ikot. Pagpasok namin sa isang store nakita kong sa ibang direksyon nakatingin si Andrei, nakakita na naman ba ang babaerong ito. Binatukan ko nga.

“A-aray ano ba Ken batok ka ng batok.” Naiinis na sabi niya. “Baka mabobo ako.” Dagdag niya pa.

Nagkibit balikat ako at tinanong siya “Anong tinitignan mo?” Mukhang nasaktan sa pagbatok ko sa kanya.

May itinuro siya. Tinignan ko naman ang itinuro niya. Timezone? Anong problema dyan, siraulo talaga ito nakakita nga siguro ng target niya napakababaero.

“Oh anong meron dyan. May nakita ka na naman bang babae?” I asked at naglakad papunta kay na Spencer tumitingin ng mga damit.

“Hindi ang bulag mo talaga.”

“Ano?!!” Naaasar na sabi ko, ako bulag eh ang itinuro niya naman talaga eh yung timezone.

“Di ba timezone ang itinuro mo kung gusto mong magpunta edi pumunta ka.”

“So hindi mo nga nakita? Haaayyy.” Hinila niya ulit ako at hinawakan ang mukha ko para mapatingin ulit doon.

Walang hiya ano bang problema niya.

“Ano ba bitiwan mo nga yung mukha ko mamaya pagkamalan tayong bakla.” Naasar na singhal ko sa kanya.

“Mandiri ka nga sa sinasabi mo.” Nandidiring pahayag niya sabay bitaw ng kamay niya sa ulo ko.

“Tignan mo kasing mabuti yung itinuro ko.”

Tinignan ko ulit ang itinuro niya, kapag sineswerte ka nga naman nakita ko na agad ang target ko sana lang pumayag siya mamaya.

“Tara na.” Sigaw ko sa kanila.

Naglakad na kami papunta doon sa timezone. Nakita ko sila ng mga kaibigan niya na nakasakay sa parang animal na gumagalaw. Tss how childish.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon