Chapter 14: Coincidence or Not

1K 63 24
                                    

Chapter 14: Coincidence or Not

Yana’s POV

Nandito na kami ngayon sa gym pinagpaalam na namin ito, kasi nga di ba magpapractice kami ng sayaw para sa P.E. nagstart na magturo si Lexi kaso ang problema ang bilis niya magturo so hindi namin masyodong masundan at magets agad.

“Ano ba yan kanina pa tayo dito hindi niyo pa rin nakukuha yung steps.” Reklamo niya.

“Ang bilis naman kasi Lex.”

“Oo nga bagalan mo naman sa Friday pa naman ang presentation.”

“Kaya nga, parang gusto mo matapos na natin agad yung steps ngayon.”

“No comment.”

Pagrereklamo namin sa kanya. Paano parang gusto na niya kaming patayin sa kakamadali niyang sumayaw ni ayaw sabihin sa amin ang steps basta daw gayahin namin siya, ang bilis niya kayang sumayaw.

“Sige kayo nalang magturo, ito yung video.” Sabay abot niya sa amin ng phone niya.

“Joke lang naman ito naman hindi na mabiro.” Sabay tawa ng mahina.

She started teaching the steps again and she slowed down a bit so we’re getting it. Nasa kalahati na agad kami hindi naman pala siya masyadong mahirap it’s just that ang bilis lang magturo kanina ni Lexi kaya hindi namin magets agad yung itinuturo niya.

“Stop muna tayo.” Sabay upo ni Lexi sa mga upuan at uminom ng tubig.

May problem ba ito hindi naman siya badtrip kanina pati tuloy kami nadamay sa init ng ulo niya.

Lumapit ako sa kanya.

Lexi’s POV

Hay dahil dun kay kuya hindi maganda ang pakiramdam ko sumakit talaga ang ulo dahil sa nangyari. Nagstop muna kami sa pagpapractice kasi napapagod na ako at alam kong sila din naman so pahinga saglit tsaka namin itutuloy kapag nakapahpahinga na kami saglit. Nagsikuha na sila ng panyo at tubig nila habang ako umupo sa may mga benches at uminom ng water.

Nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Yana. Ano na naman kayang problema nitong babaeng ito, kasi nung nakaraang mga araw puro yung si Ken yung kaaway niya. Alam ko na ang name nila kasi kaklase namin sila sa ibang subject namin.

Oh diba lumelevel up ako hindi na kaaway na lalaki ni Yana or kuyang pogi na kaaway ni Yana, oh di kaya naman kuya, Ken na ang tawag ko, feeling close kasi hindi ko din naman siya kuya eh kung makasabi akong kuya akala mo kakilala ko o kapatid ko siya. Hahahaha ok back to topic.

So ayun nga lagi silang nag-aasaran kahapon lang nangyari yung ginawa ni Yana na tapunan ng slime (na color blue) at feather yung si Ken sa malapit sa garden pasalamat talaga siya at hindi sila nahuli nung mga kinutstaba niya na mga lalaki kung hindi lagot na naman siya. Nagpakita pa siya ng mga pictures na kinunan niya kahapon at totoo na yung mukha nung si Ken ay nakakatawa natulala siya tapos nagmukha siyang manok na color blue sa itsura niya.

Nang makalapit sa akin si Yana she gave me a devilish smile.

“What do you want?” I asked her and wrinkled my forehead at her.

>,<

Umiling-iling lang siya.

What’s her problem.

“Ano ngang problema mo. Dahil na naman ba kay Ken?” I asked.

“PFFFFT.” She snickered.

“Hoy bakit ka natatawa may nakakatawa ba sa sinabi ko?” I sarcastically asked her.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon