Chapter 1: Meet Alyana Fuentes
Yana’s POV
“Princess gumising ka na dyan. Aba’t tanghali na malalate ka na namang bata ka sa first day mo pa naman sa school.” Sabi ni mama habang inuuga at tinatapik ang balikat ko.
Blink
Blink
Blink
0_________0 <- mukha ko ng marinig ko ang boses na ng gigising sa akin.
Nagulat ako sa kanya kasi ang aga-aga niya isa pa nagtataka ako kung bakit nandito siya sa bahay ko.
Yup bahay ko as in my house. Hahahahaha.
Naki-usap kasi ako sa kanila ni papa dati na gusto ko na ding humiwalay sa kanila. Kasi yung BFF’s ko na sina Lexi Alfonso, Dione Javier, Ariana Vasquez and Ariana’s twin sister Irena Vasquez may sari-sarili na silang bahay. Ang totoo niyan magkakapit-bahay kami.
Nagtataka kayo kung bakit hindi pa kami nag sama-sama sa iisang bahay well like lang namin kasi sayang naman ang yaman ng mga pamilya namin kung hindi magagamit di ba. Kaya ayun isa-isang bahay kami.
Pero most of the time naman nasa iisang bahay lang kami. Depende sa matripan namin kung kaninong bahay kami ngslesleep over. Kung sleep over pa nga bang matatawag yun kasi nga magkakapit-bahay lang naman kami. Pero sleep over yun kasi nasa ibang bahay kami di ba?
Ang ginagawa lang naman naming is magmovie marathon, magswimming (bawat bahay kasi may sari-sariling swimming pool kami), kumain, maglaro at kung ano-anu pang maisip namin.
“M-ma anong ginagawa mo dito?” Sagot ko naman kay mama habang nag-iinat at nagkukusot ng mata.
“Masama bang dalawin ko ang princess ko?” Sabi ni mama na parang nagtatampo.
Hay naku dumali na naman si mama sa emote nya about sa pag kamiss sa akin.
“Hindi naman sa ganun ma, syempre nagulat lang ako kasi naman ang aga-aga mo dito. At isa pa ni hindi ka manlang tumawag sakin na dadalaw ka pala.” Dahilan ko naman sa kanya.
“Siyempre gusto ko isurprise ang princess ko.” Sagot naman niya.
Haaaaayyyyyy here we go AGAIN. Bakit ba laging ganito si mama? Siguro nga namiss niya lang talaga ako.
Sakyan ko na lang at baka lalong magtampo. Pero mahal na mahal ko ang mama ko.
Hindi kasi ako umuwi sa bahay namin kahit na nung bakasyon. Mas masarap pag mag-isa kasi tahimik.
“Dalian muna at dumiretso ka na sa banyo ok? Maghahanda na ako ng almusal mo para makakain ka bago ka umalis ng bahay.” Sabi ni mama habang papalabas na sana ng kwarto ko.
Kahit mayaman kami gusto ng mama ko na siya ang nag-aasikaso sa akin lalo pag nandito siya sa bahay ko. Dahil nag-iisang anak ako kaya gusto niya na siya ang nanggigising sa akin at nag-aasikaso ng aking breakfast kapag bumibisita siya dito.
Bait ng mama ko noh? Isa pa labs na labs ako ni mama. Lagi nga akong namimiss niyan. Ultimo sa school tinatawagan ako para mangamusta kung anung ginagawa ko, kumain na daw ba ako, ingat daw ako palagi at mahal na mahal daw niya ako.
Tumingin ako sa digital clock ko na nasa kaliwang side table ko kung anong oras na. Nakita kong 5:30 pa lang ang aga pa. Si mama talaga ang aga-aga pa eh. Anung oras kaya siya nagpunta dito sobrang aga pa kasi.
May susi sina mama ng bahay ko para in case wala ako dito ay makakapasok sila sa bahay.
“Nga pala ma nasaan si papa?” Nagtatakang tanung ko kasi kada dadalaw sa akin si mama minsan kasama niya si papa palagi.
BINABASA MO ANG
Secretly in LOVE with our RIVALS
Teen FictionCan 10 rivals fall in love with each other?? Pwede ba iyon lagi silang nag-aasaran at nagbabangayan pero maiinlove. What if you fell in love with your rival will that love lasted for so long or just a span of time? Magiging masaya kaya kayong lahat...