Chapter 4: First Day, Worst Day

7.8K 129 72
                                    

Chapter 4: First Day, Worst Day

***After the ayaw scene***

Drake’s POV

Grabe ‘di ko kinaya yung nangyari kanina kaya ang nangyari ay sumakit ang tiyan ko, namin pala maski si Spencer na seryoso ‘di mapigilan tumawa dahil sa nangyari kay Ken.

“Hahahaha babae ba yung nakaaway mo o ano grabe kung sumipa. Nabasag ba at nascramble na si junior mo bro? Hahahahaha.” Asar ko sa kanya.

“Grabe pre, kung nakita mo lang yung reaksyon mo nung sinipa kung nung babae… Hahahahahaha. Sorry sorry hahahaha ‘di ko masabi hahahahaha.” Tatawa tawang sabi ni Andrei kay Ken.

“Hahahahaha. No comment hahahahahaha.” Sabi naman ni Spencer. Kahit si Spencer na seryoso tumatawa ng ganyan. Napakaimposible na tumatawa ang taong ito. Pero what can I do hindi na mahinto ang tawa niya, nakakatawa naman talaga ang nangyari kay Ken.

Tinignan naman ni Ken si Jasper. “Ikaw ano ang sasabihin mo sa akin?” Nakabusangot na yung mukha niya sa inis.

“Ahmmm. Gusto mo ng yelo?” Seryosong tanong ni Jasper kay Ken. Nagtaka naman si Ken sa sinabi ni Jasper pati kami nagtaka sa sinabi niya kaya tinignan naming siya ng nagtataka. -__-??

“Ano naman gagawin ko sa yelo?” May pagkairita na sa boses ni Ken.

Ngumiti si Jasper sabay sabing “Baka kasi namaga na yang junior mo at hindi ka makalakad ng maayos kung namamaga yan. Hahahahaha.” Nakakalokong sabi ni Jasper kay Ken sabay tawa.

“Hahahahahahahaha.” Pati kami napatawa sa sinabi ni Jasper siraulo talaga ang lalaking ito kakaiba ang mga iniisip.

“Bwiset ka lumayas ka nga sa harapan ko. Actually kayong lahat kung ayaw niyong upakan ko kayong lahat ngayong badtrip ako!!” sinisigawan na niya kami.

“Hahahahahaha.” Wala lang kaming ginawa kung hindi ang tawanan siya.

“Tara na nga hahahaha late na tayo pero worth it naman ang pagkalate natin.” Sabi ni Andrei.

Ken’s POV

Papunta na kami sa first subject namin. Hanggang ngayon hindi ko akalaing mapapahiya ako nang dahil sa isang amasonang espasol na babae.

Walang hiya yung babaeng yun hindi matatapos ang araw na ito na hindi ako makakaganti sa ginawa niya sa akin.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng may marinig kaming nagpapakilala sa loob. Sumilip muna ako bago binuksan yung pinto at saka kami naglakad papasok. Wala pa ring nakakapansin sa amin. Late na kami kaya dahan dahan ang pasok namin.

“Hi guys, I’m Irena Vasques, 18 years old.” Sabi nung babaeng nasa harap maputi at matangkad. Actually 5 sila, sa kanang dulo yung nagsalita.

Tinignan kong maigi yung mga mukha nila. Sh*t nandoon yung babaeng sumira ng araw ko siya yung nasa gitna. Mukhang mas mapapadali ang paghihiganti ko sa kanya ah. Umupo kami sa pinaka dulo kasi may mga bag na yung mga bakanteng 5 upuan sa harap namin. If I’m not mistaken, for sure sa kanila ang mga bag na ito. Sa gitna ako umupo sa kanan ko si Andrei sa kaliwa ko naman si Drake. Katabi ni Drake si Spencer sa bintana alam na gusto ng tahimik. Sa tabi naman ni Andrei si Jasper.

“Ariana Vasques, 18.” -_________- Nakapoker face na sabi nung isang babae kamukha nung isang nagsalita. Babagay sa ugali ng babaeng ito si Spencer parehas laging nakapokerface. Nasa kaliwang dulo naman ito malapit sa pinto sa harap.

“Annyeong Dione Javier-imnida 18.” Sabi naman nung isang babaeng habang nakangiti katabi nung nasa kanan.

“Tigilan mo nga yang kakakorean mo Dione.” Iritang sabi nung Ariana.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon