Chapter 7: Damn it!!
Ken’s POV
“Bro bakit parang ang saya-saya mo?” Nilapitan ako ni Drake at umupo sa tabi ko sa sofa.
Nasa bahay ko sila yung iba nasa kusina kumukuha ng makakain, yung iba naglalaro. Nagulat na lang ako nung lumapit si Drake sa tabi ko kasama niya si Spencer dala-dala nila yung mga pagkain pati inumin.
I just smirked at him and shrugged my shoulders.
Napakasaya ko at nakaganti na ako sa amazonang espasol na yun hindi lang sa kanya idinamay ko pa ang mga kaibigan niya well that’s one of my motto ‘kasalanan ng isa, damay ang lahat’.
“Hoy, tinatanong kita bakit ang saya mo.” Tanong niya ulit.
Ngumiti muna ako sabay akbay sa kanya. “Bro, nakaganti na ako.”
“Kanino?”
“Kay amazonang espasol.”
“Ha?” Nagtatakang tinanggal niya yung braso ko sa balikat niya at tinignan ako. He must be wondering who I am talking about.
“Yung babaeng sumipa sa akin kaninang umaga. Natatandaan mo naman siguro siya di ba?” Pagpapaalala ko sa kanya.
“Yes, I remember her. Paano ko naman makakalimutan yung babaeng unang kumalaban sa’yo. Hahahahaha.” Nang-aasar na sabi niya sabay tawa.
Umupo si Spencer sa kaharap ng inuupuan ko. Huminto na sa paglalao ng wii yung dalawa. Umupo din sila sa tabi ni Spencer. Himala ata at hindi naglalaro ngayon si Drake ay oo nga pala nanguha kasi sila ng pagkain at inumin sa kusina.
“Anong atin?” Tanong ni Jasper.
“Wala.” Sabay sabay naming sabi sa kanya.
“Ang dadamot niyo.” Reklamo niya sabay kuha nung lays.
“Ano na tuloy muna yung kwento mo.” Usisa sa akin ni Drake.
Tinignan naman nila ako.
“Yun nga gumanti ako.” Sabi ko naman at kumuha ng inomin sa table.
“And then?” Spencer.
Tinignan ko muna sila, naninigurado muna ako kung sasabihin ko sa kanila yung ginawa ko. Ay hindi pala ako yung gumawa inutos ko.
After kong mag-isip kung sasabihin ko ba or hindi napag-isipan kong sabihin na lang kasi alam ko namang kukulitin ako ng mga ito.
“I asked someone to smash the windshields in their cars.” I proudly said to them.
“Their?” Spencer asked me.
“Yes, their as in nila. Sila ng mga kaibigan niya.” Shock was visible in their faces kahit na si Spencer na serious type nagulat sa sinabi.
“N-nababaliw ka na ba bro? Bakit pati mga kaibigan niya dinamay mo?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Spencer.
Pasagot na sana ako ng biglang sumingit si Jasper.
“A-are you out of your mind bro? Why did you involve her friends too?” Gulat na sabi din niya.
“Hindi ba in-english ang sinabi ng kapatid mo Jasper.” I sarcastically said to him. “Pwede ba lumayas ka nga sa harapan ko nakakairita ka.” Naiinis kong sabi. Ayan lagi ang sinasabi namin sa kanya na lumayas siya pero syempre hindi naman kami seryoso nakakainis lang kasi siya palagi.
“Oo nga Jasper pwede ba lumayas ka sa harapan namin, nakakairita ka.” Drake.
“Seryoso yung usapan tapos bigla kang sisingit ng mga walang kwentang sinasabi mo.” Andrei.
BINABASA MO ANG
Secretly in LOVE with our RIVALS
Teen FictionCan 10 rivals fall in love with each other?? Pwede ba iyon lagi silang nag-aasaran at nagbabangayan pero maiinlove. What if you fell in love with your rival will that love lasted for so long or just a span of time? Magiging masaya kaya kayong lahat...