Chapter 9.2: Slimy & Feathery Day/Monsters. Inc.

7.3K 94 15
                                    

Chapter 9.2: Slimy & Feathery Day/Monsters. Inc.

Ken’s POV

Paglabas ko nang library nagdiretso na ako sa first subject namin kasi nag-aantay na daw sina Drake sa labas ng classroom sa akin. Pagdating ko sa classroom pumasok na kami at walang katapusang pang-aasar na naman kay Amazonag Espasol ang ginawa ko ni hindi na nga ako nakikinig sa klase ko eh.

Nung kumain naman kami sa cafeteria hindi namin sila nakita ng mga friends niya.

Papunta na kami sa last subject namin. Nagtanong bigla si Andrei na katabi ko.

“Bro, mukhang type na type mong asarin palagi yung sumipa sa’yo ah. Pfft.” Biglang natatawa na naman siya.

I gave him a death glare.”Eh, bakit ka natatawa?” Naaasar na tanong ko.

Umiling-iling lang siya. “Wala. Sagutin mo na yung tanong ko.” Silang dalawa na lang ni Jasper ang kasama ko ngayon wla na si Spencer at Drake kasi hindi nga namin sila kaklase.

“Hoy, anu pinag-uusapan niyong dalawa?” Tanong ni Jasper, medyo nauuna siya maglakad. “Pasali din ako.”

Binalewala na lang namin siya, wala naman matinong sasabihin ang lalaking ito pagkinuwento pa namin sa kanya.

Nilagpasan na namin siya.

“Natutuwa lang talaga ako sa reactions niya.” Sabi ko.

“Natutuwa lang ba talaga?” Sinamaan ko siya ng tingin.

Ano pa bang gusto niyang sabihin ko na may gusto ako sa babaeng yun? No way high-way hindi ako magkakagusto doon.

“Anung natutuwa hoy kayong dalawa magkwento naman kayo.” Singit na naman ni Jasper.

“Wala nga!!!” Sigaw namin sa kanya.

Tinignan ulit ako ni Drake na may ngising aso sa labi. Siraulong lalaking ito ah.

“Bakit?” Inis na tanong ko.

“Wala.” Pagkasabi niya nun naglakad na ulit kami si Jasper nakasunod lang nanahimik ang loko.

Nakakabored naman yung araw na ito walang magawa kasi hindi naman naganti si Amazonang espasol sa akin. Suko na kaya yung babaneng iyon? Ang bilis naman niya sumuko parang last week lang kung makasipa siya sa… ARGH sa akin akala mo parang wala ng bukas.

**********

Nang matapos ang klase dumiretso na ako sa likod ng garden, masarap tumambay doon. Ewan ko ba kung bakit lagi akong tumatambay doon pag-uwian pero hanggang ngayong week lang na ito.

Nung padaan na ako sa gilid bigla akong may naramdaman na malagkit na kulay blue na bumagsak more on binuhos sa akin. Napatulala ako pagkatapos naman nung pagbuhos sa akin nun may ibinuhos pang isa.

0___________0

Shit!!!!

Pagbalik ko sa katinuan, tinignan ko ang sarili ko.

F*ck!!!!

Slime lang naman ang ibinuhos nung gumawa nilagyan pa ng feather. Buti na lang walang tao dito.

“Pfft.” May narinig akong pagpigil ng tawa.

“FUCK!!! SINO ANG MAY GAWA NITO?” Tanong ko sa tao doon sa ko sa kanila.

At naisip ko rin na hindi naman magpapakilala yung mga yon.

Lumingon ako kung saan nanggaling yung mga itinaponbinuhos nila sa akin. Napansin kong bigla silang umupo ng konti kasi hindi naman talaga sila mahahalata lalo na pag-nakaupo sila.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon