Chapter 6: Sweet Revenge

7.6K 110 43
                                    

Chapter 6: Sweet Revenge

Yana’s POV

Nagdiretso muna kami sa cafeteria dahil nagugutom na ako at isa pa hihintayin namin si Lexi at Ariana sabi kasi nila nung tinext ko sila patapos na daw yung mga klase nila so intayin na lang daw namin sila sa cafeteria at iorder ng pagkain. Kay Lexi daw basta may kanin may extra rice din daw yun, kailangan din niya daw ng dessert at buko shake, nahaggard daw kasi siya sa klase nila nagturo daw kasi agad yung matandang hukluban niyang prof kahit first day na first day, sabog daw agad ung utak niya dahil do’n. Tapos kay Ariana pasta daw at pineapple juice lang.

Nang makapasok kami sa cafeteria walang masyadong tao so umupo kami sa medyo dulo para medyo tahimik yung mga tao kasi nasa harapan or malalapit sa daanan papasok ng cafeteria. Pagkaupo namin binalingan ko si Irena na kinukuha yung wallet niya sa kanyang bag.

“Irena.” Tawag pansin ko sa kanya humarap naman siya “Sabi ni Ariana pasta na lang daw sa kanya tapos pineapple juice.”

Inirapan niya ako. “Ikaw na magorder sayo naman inutos eh, napakatamad talaga no’n pagkain na lang niya ‘di niya pa mabili.”

-____________-

Seriously kapatid niya ni ‘di manlang niya mabili ng food. Pinagwalang bahala ko na lang yung sinabi niya napaka talaga nitong magkapatid na ito. “Sabi kasi nila Lexi at Ariana baka maraming tao na mamaya kaya bilhan na lang daw muna natin sila. Ako ang oorder ng food ni Lex so pwede ikaw yung sa kakambal mo kasi hindi ko naman mabubuhat lahat iyon. Pwede ba iyon Irena?” Tanong ko sa kanya.

“Oo na, oo na ano pa bang magagawa ko?” Sabi naman niya sabay hatak sa kamay ko.

Binalingan ko muna si Dione. “Ano sa iyo? Maiwan ka na dito para magbantay sa mga bag, ako na ang oorder ng food mo. Anong like mo?”

“Hmmm?” Nag-isip pa talaga at ang tagal.

“Oyy, ano na ang tagal ha take your time?” I sarcastically said to her. Ang tagal kasi mamaya bigla dumami yung mga estudyante matagalan kami makaorder ng food.

“Wala ako maisip kahit anu na lang do’n. Libre mo ako. Bili mo din ako ng desert.” Sabay ngiti niya.

“Oy ang kapal anung libre akin na yung pera mo.” Sabi ko habang natatawa-tawa.

Kinuha niya yung wallet niya sabay abot sa akin ng 500. “Joke lang as if naman manlilibre ka napakakuripot mo kaya, yung sukli ko ha taghirap ako ngayon.”

“Buti alam mo at wag ka ng mag-antay ng sukli akin na iyon. At anung tag-hirap kelan ka pa naghirap ha? Sapak you want?” Natatawa ako sa kanya.

“Kahapon pa simula nung nagshopping tayo. Yung sukli ko ha.” Sabi niya.

“Tama na nga ang dakdakan tara na ang tagal.” Irena said.

Hinatak na niya ako papunta pag-oorderan namin ng pagkain. Ako muna ang oorder kasi medyo marami iyon.

“Ahmm, miss 1 palabok, 2 blueberry cheesecake at 1 mango shake. Magkano po lahat?” Yung sa akin muna yung inorder ko. 2 blueberry cheesecake kasi I love sweet things at nakakawala ng stress, nastress ako dun sa gorilla na ‘yon. Mapapakain na naman tuloy ako ng marami.

Kinalabit ako ni Irena. “Bakit?” Nagtataka kong tanong habang nagtitingin ako kung anung oorderin ko kay Lexi at Dione. “Akala ko ba ikaw oorder kay Dione at Lexi?” Tanong niya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit yung akin lang inorder ko.

“Ahh, yung sa akin muna para alam ko kung magkano yung sa kanila baka magkahalo-halo.”

“Ahh, ganun ba okie dokie ganun din gagawin ko para alam ko kung magkano babayaran sa akin ni Ariana. Hahahaha.” Baliw talaga.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon