Chapter 21: Ideas and Winner
Lexi's POV
Nang bumaba na si Yana nagstart na kaming kunin ang mga pom poms namin sa isang side itinago kasi namin iyon at hinubad na ang mga nakapatong na t-shirt sa amin.
"H-hoy anung ginagawa niyo?" Tanung nung kaibigan ni Ken.
Nung nilingon ko siya... siya lang naman yung lalaking nakita ko sa rooftop nakakainis.
"Kumakain hindi mo ba nakikita?" Sabay irap nagsitawa naman sina Irena.
"Kung kumakain kayo bakit kayo naghuhubad?" Ah ito yung lalaking sumagot sa prof namin nung first day kaya sila napalabas.
"Wala kang paki-alam." Sagot ni Irena. Ito din ata yung lalaking nakita niya sa girls cr, o di kaya naman ay gusto niya lang sagutin malay ko.
"H-hoy wag nga kayong maghubad dito."
"Oo nga kung maghuhubad kayo ayon yung cr oh." Sabi pa nung isa sa kambal.
"Sige lang ok lang sa akin sa kanila hindi ka.. awww." Mukhang nakatikim siya sa mga kaibigan niya.
"Oo nga kung kakain kayo bakit kailangan niyo pang maghubad."
Hay bahala nga sila dyan. Tinanggal na namin ang mga black t-shirt namin kaya yung shirt na 'THE GODDESSES OF BEAUTY :*' na ang suot namin. Sabi ko itali nila yung side para makita ang pusod namin para naman mukhang kaming mga cheerleading squad kahit apat lang kami. Kinuha na din namin yung mga pom poms at hinawakan nakita ko namang parang nakahinga ng maluwag yung mga lalaking ito.
"Mga manyak." Bulong ko pa.
"Lex mukhang magstastart na sila." Mukha nga kasi nandoon na yung magwawagayway ng chekered flag.
"Tara baba tayo." Ang ibig kong sabihin baba kami sa gilid nung racing field para makita kami ni Yana.
"Tara, tara." Nagsibaba na kami.
Maya-maya nakita ko ding nagsibaba yung mga kaibigan ni Ken. Mga gaya-gaya puto maya paglaki hippopotamus walang originality pwede naman silang sa taas nalang. Tss.
At nakita kong iwinagayway na nung lalaki ang checkered flag. Nagstart na din sila patakbuhin ang mga sasakyan nila, medyo nauuna si Ken kay Yana.
Drake's POV
Nang makababa kami ng sasakyan pinuntahan agad ni Ken yung makakalaban niya.
"Why don't we start nang matapos na agad ito." Rinig kong sabi ni Ken kahit hindi ako malapit narinig ko hindi naman siya bumulong inilapit niya lang ang mukha niya kay Alyana. Mukhang excited na magkacondo at gusto na agad matapos
Hindi siya nito sinagot at nilagpasan lang siya sabay bumaba na sumunod naman si Ken sa kanya at nagpunta na sila sa mga sasakyan nila. Medyo malayo kasi ang starting line sa pwesto namin kaya may flatscreen tv dito kung anong nangyayari sa race, pero makikita din naman namin sila kapag napadaan sila dito.
Maya nakita ko yung mga kaibigan ni Alyana na naghuhubad. Watdahell!!
"H-hoy anung ginagawa niyo?" Tanung ko sa kanila. Bakit ba kasi kailangan nilang maghubad at talagang sa harap pa namin ha.
Lumingon yung isang kaibigan ni Alyana, siya yung nakita ko sa rooftop. "Kumakain hindi mo ba nakikita?" Inirapan naman niya ako nagsitawa pa yung mga kasama niya.
Pilosopo ito ah, magsasalita sana ulit ako ng biglang nagsalita si Jasper syempre ano pa ba ang aasahan niyo kay Jasper kundi mga walang kwentang salita ang lalabas sa bibig niyan.
BINABASA MO ANG
Secretly in LOVE with our RIVALS
Teen FictionCan 10 rivals fall in love with each other?? Pwede ba iyon lagi silang nag-aasaran at nagbabangayan pero maiinlove. What if you fell in love with your rival will that love lasted for so long or just a span of time? Magiging masaya kaya kayong lahat...