Chapter 33 Part 2

18 0 0
                                    

AYEN's POV

Weekend.

Saturday ng hapon.

Lumabas ako sa bahay kasi ubos na pala yung paboritong tinapay ng aso ko. Monay.

Ewan ko ba dun. Ayaw ng ibang tinapay pero 'pag monay, saglit lang kung kainin niya. Lamon pa nga kamo.

Oo, may alaga akong aso. 'Di ko lang nakukwento. Golden retriever siya at Lev ang pangalan niya. May sarili siyang bahay dun sa may garden. 'Pag umaga, andun siya. Kasi bukod sa nakakagala siya, rumoronda din yun sa palibot ng bahay namin. Pero 'pag matutulog na kami, pumapasok siya sa loob. Parang feeling niya ata mas mababantayan niya kami from the inside, kasi if ever, magigising talaga kami sa kahol niya.

E asan siya nung nakapasok si N nun?

 

 

 

 

Oo nga no. Ano kaya kung nandun si Lev nun no? Ano kaya nangyari??

 

 

Kaso wrong timing naman kasi e. Dinala ba naman siya nila Mamu. Ang akala kasi nila nun, makakabalik sila agad kaya sinama nila. Parang baby din naman kasi turing nila dun e. Di nila kayang iwan mag-isa. Kahit ako din naman e.

Pero ewan ko... Sa lahat ng punta ni N sa bahay namin, lagi nalang timing na wala si Lev.

Ewan ko ba.

 

 

 

 

 

Hay nako ha. Kanina pa 'to.

 

Simula nung lumabas ako ng bahay hanggang nakabili na ako ng tinapay hanggang dito sa may park na malapit na samin, nakasunod na 'tong kotseng 'to e. Feeling naman nila 'di ko napapansin. Hay. Ang hihiha naman ng pakiramdam.

 

 

 

Tumakbo ako bigla dun sa part na mapuno.

As expected, lumabas siya ng kotse.

"Wait, Ate!" Bumaba na din yung isa.

Tumakbo yung nauna kung saan ako banda tumakbo. 'Di niya na hinintay yung--- Ah... Yun ba yung kapatid niya?? Halata.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon