HINDI PWEDE! AYOKOOOO!!!!
‘WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!!!!!!!!!!!!!!!
*blag*
“Aray…Aw…ansakeeeeetttttt…”
Maluha-luha kong hinimas yung balakang at likod ko. Nalaglag na pala kasi ako sa kama ko e! Huhu...Ansakeeet...
*BLAG*
Tapos bigla ding bumukas ng malakas yung pinto ng kwarto ko.
“Haaa-haaa-hanong-naaang-ya-ri?!?”
Lagot. Hingal na hingal si Mamu.
Habang hawak-hawak yung dibdib niya ng isang kamay, yung isang kamay niya naman nakakapit sa may doorknob ng pinto (para siguro hindi siya ma-out-of-balance). Feeling ko ambilis ng tinakbo niya kanina kaya ganyan kaputla yung mukha nya ngayon...
Di pa niya ko nakikita kasi nakayuko pa siya habang naghahabol ng hininga nya.
“A…e…hehe…”
Napakamot ako ng ulo. Naku lagot na. Niyuko ko yung ulo ko habang nag-iisip ng pwede kong sabihin. Pa’no ko naman kasi sasabihin na------
Natigilan ako... kasi nung inangat ko yung ulo ko, nakita kong nakatingin na pala saken si Mamu, nakakunot yung noo. Pataaay.
“Haaaa-haaaa-hanong-ginaaa-gawaaa-mo-dyan???” Grabe talaga! Hinihingal pa din siya. Patay talaga ako nito!
“A-ano po kasi… hehe…” Lagot na! Wala na akong masabi… kasi naman umurong na ata dila ko nung makita kong palakad na siya palapit saken. Alam ko na kasunod niyan….
“MARIENNE!!!!!!!!! Don’t tell me na----------“
Grabe! Buti natakpan ko kaagad tenga ko, kundi na-massacre na eardrums ko. Huhu…
Pag-angat ko ng ulo ko, dinilat ko yung isang mata ko, para tignan yung mukha nya. Napapikit kasi ako sa lakas ng impact ng boses niya e. Pagtingin ko, naku-------
“Mamu….Sori na pooooo! Sori naaaaa! huhu…kasi naman e yung napanaginipan ko po kasi… Bangungot!!!... Bangungot talagaaaaa…” Habang sinasabi ko ‘yan, nakaangat na naka-cross yung arms ko, yung parang naka-shield sa mukha at ulo ko if ever na----- (Well, Mamu couldn’t see that I have this sly grin on my face… Alam ko na din kasi kasunod niyan e..)
Ayan na...
Tinaas ni Mamu yung kamay niya tapos….
… pi-nat niya yung ulo ko… (See, I told you. *smirk* Oy! Grabeee...ano iniisip nyo ah?? ‘Wag kayong judgmental. Bad ‘yan.)
“Tinakot mo naman kasi si Mamu e…Akala ko…Akala ko kung ano na nangyari sa’yo e… Alam mo naman na love na love kita…”Niyakap na niya ako niyan habang hinihimas-himas yung ulo ko…Tapos ni-release niya ‘ko sa pagkakayakap niya tapos hinawakan niya yung mukha ko, “Nakakatakot ba talaga?” Para lang naman bata yung kausap niya. Hay. T.T
Tumango na lang ako…na ‘parang’ bata….
Naku. Kitang-kita na naniwala siya sa sinabi ko at awang-awa kamo siya saken, (Well, magaling ako sa ganyan..hehe.. huy grabe naman kayo, anong iniisip niyo saken?? Totoo naman sinabi ko ah. Bad dream naman talaga ah. No!...more of NIGHTMARE pala yun! Kaya nga I was forced to act like this no! Sige nga, anong gagawin nyo kung kayo ako? tapos akala ni Mamu kung ano na nangyari saken na halos atakihin na sya sa puso?? Aba, kung di ko ginawa ‘to, I just can’t imagine kung ano’ng mangyayari. You don’t wanna see Mamu get angry, I tell you!) kasi niyakap niya ako ulit tapos sinabi niya,
“Don’t worry baby, andito naman na si Mamu…I won’t let that monster get you…”
Fine. Baby. Haay… May baby bang 17 years old??? Haay…
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...