Chapter 42: The Trip Part 2

27 0 0
                                    

AYEN's POV

May kumatok sa pinto ko.

"Lady Marienne?? Handa na daw po ba kayo? Baka kelangan niyo po ng tulong?"

"H-ha?? Naku, hindi na."

Grabe naman, hindi naman ako bata e. Kaya ko naman sarili ko... Ganito ba talaga sa mga bahay ng mga sobrang yaman?? Parang sa mga Asianovelas ko lang 'to napapanood e. Tapos ngayon, nararanasan ko na.

 

Buti dun kanila Myrin, 'di na sila ganun. Nung umpisa, oo. Panay ang sunod nila samin, in case daw na may mga iutos daw kami. Pero siguro sinabihan na sila ni Myrin na 'wag nang maging ganun para maging komportable kami sa bahay niya. Nakakailang kaya...

 

 

 

 

 

Medyo natagalan ata ako sa banyo. Ang sarap kasi magbabad sa tubig. Tsaka ang gaganda at ambabango ng flowers. Para tuloy akong naliligo sa gitna ng indoor garden.

Grabe...anlaki kaya ng banyong 'to. Exagge nga sa laki e. Pati yung bathtub, parang jacuzzi. Tsaka, buti na lang, na-realize ko kung ano yung use ng mga buttons na yun sa may tub pati dun sa shower. Nakokontrol ko yung temperature ng tubig, yung scent na malalagay pati yung pagpapadami ng bula. Bukod dun, andami pa. Napaisip kaya talaga ako kanina. Kaya ako natagalan mag-umpisa e. Grabe talaga...

 

 

 

 

Umalis na kaya sila? 'Di naman siguro nila ako hinihintay dun sa labas ng pinto no?

 

 

 

 

Pumasok na ako sa walk-in closet.

O______O

* v *

  

WOOOOOW!!!

 

 

 

 

 

Ang gaganda ng mga dress!! Wala akong masabi sa taste ni Judie! Ang gaganda talaga...

 

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon