ENNE's POV
Di ako makagalaw…
“Joke lang… Answerte mo naman ata…”
“Joke lang… Answerte mo naman ata…”
“Joke lang... Answerte mo naman ------”
“Joke lang----”
“Joke----”
Nagpapaulit-ulit yan sa tenga ko!
ANO DAW?! JOKE?!?
JOKE???!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Dahan-dahan akong napaupo nung naramdaman kong bumigay yung mga tuhod ko…
*DUGUDUGUDUGUDUGUDUGUDUGUDUG*
I clenched my fist above my heart. Naramdaman ko nanaman!!!
I bit my lip hard in frustration!
HE DID THAT TO ME!
AGAIN!!!!!!!!!
Hinabol ko siya ng tingin. The mere view of his back disgusts me! Paliko na siya sa isang hallway. I wanna rush to him and MAKE HIM PAY! HUMANDA SIYA!!!
But when I was about to stand…
“Ano ka ba… San ka ba nagpupupunta?”
May narinig akong nagsalita galing dun sa lilikuan niya.
Lalake.
Natigilan ako.
“Kung tapos mo na siya dalawin, halika na. Mamaya nyan may makakita sa’yo, magkagulo nanaman…”
Hindi siya sumagot. Pero bago sya nawala nang tuluyan sa paningin ko… parang bahagya syang tumingin sa direksyon ko nang…
NAKANGISI NANAMAN!
THAT MONSTEEEEEEEEEERRRRR!!!!!
……………….......
*footsteps*
Bigla akong natauhan. Natulala pala ako. Teka. May tao. Kelangan ko magta--- Ay…
Tumigil sa mismong harap ko.
Lagot na!
Ba’t ba lagi na lang ako minamalas?! Dahil to sa kanya e! Simula nung dumating (HINDI.SIYA.WELCOME!) sya sa buhay ko, ganito na!
Napalunok ako habang dahan-dahan kong inangat yung mukha ko. Nakauniform? Ibig sabihin estudyante??
Oo nga. Estudyante.
Magkatitigan kami ngayon. While I’m staring up at her (dahil nga nakaupo ako sa floor), she’s staring down at me. Sakit sa leeg a.
Ang ganda naman ng babaeng to. Senior kaya namin sya? Hmm… sa aura nya lang siguro…Imposible e, kasi ambata nya tignan.. Baka ka-year nga lang namin to e.
She held out her hand. Huh? Pero kinuha ko naman. Hinila nya ko patayo. Waw. Anlakas nya a.
Then she looked at me, turned and started to walk as if motioning me to follow her lead.
*gulp*
I started to walk behind her. Nako. San nya ko dadalhin? Sa guard?? O baka sa head ng building??? Naku naman…. Hindi pa nga nag-uumpisa yung university life ko, nagbabadya na agad matapos! Huhu. ‘Wag naman sana. Bawal kasing pumasok sa hindi mo building e. Kelangan mag-secure muna ng S.A. (Special Authorization). Violation may mean suspension… AND THE WORST???
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
JugendliteraturDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...