Chapter 26 Part 1

18 0 0
                                    

AYEN's POV

*honk   honk*

Parang ang aga naman masyado ni Myrin ngayon?

Lumabas na ako ng gate.

T___T ??

Anong ibig sabihin nito??? Alam ko gising na ako ah...

*smirk*

"Get in..."

I rubbed my eyes and shook my head. My eyes aren't deceiving me. Siya nga talaga!

Bumaba na siya ng kotse at lumapit saken. "Kelangan ba talagang bumaba pa talaga ako?"

Ano ba 'to?? Ang aga-aga ah, nag-uumpisa nanaman! Ano bang ginagawa niya dito??

Since 'di ko pa din sinasara ng tuluyan yung gate, napansin tuloy ni Mamu. "Ayen? Si Myrin ba yan? Papasukin mo muna, baka di pa 'yan nagbe-breakfast sa sobrang aga niya ngayon..."

He smirked. "Pwede din...Since ayaw mo pang pumasok sa kotse, ako na lang..."

"Ayen?? Ba't ba nakatayo lang kayo dyan?"

Aba talaga naman! May balak talagang sumagot kay Mamu?? Buti natakpan ko kaagad yung bibig niya, "Mamu, alis na po kami..." tapos hinila ko na siya papasok sa kotse.

"Ano ka ba! Pag nakita ka ni Mamu...."

Umandar na yung kotse pagkapasok namin.

"Huh? Ano namang masama dun?"

MASAMA! Pag nakita ka nun, patay na...Die hard fan mo kaya yun!

"Uhm...siguro mas maganda kung sabihin mo na lang saken kesa sa tinititigan mo ako ng ganyan..."

"Teka nga! Ano ba sa tingin mo ginagawa mo ha??"

"Sinusundo ka..."

"Alam kooo..." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang ibig ko sabihin...BAKET??"

"Gusto ko lang..."

"Anooo?? Anong gusto mo lang???" This is ridiculous. "Oy maya-maya dadating na si Myrin samin. Siguradong madi-disappoint yun 'pag nalaman niyang wala na ako dun."

"Kaya nga...i-text mo na siya..."

"Ano??" Kumunot na noo ko. "Alam mo---"

"Gusto mo ako na mag-text?"

"WAG.NA." Hay nakoo...Edi ang aga-aga, nag-freak out yun...lalo na kung kasama pa si Shae.

To: Myrin

Naku Myrin, sori ...Nauna na ako ha...Derecho ka na din sa school...Pasensya na talaga...Sinundo kasi ako...

Ise-send ko na dapat yun kaso...

...bigla niyang kinuha yung phone ko...

Sa gulat ko, 'di ako nakapalag agad. Bigla siyang nag-type dun tapos, "Send..." Ngumiti pa saken.

Kinuha ko na yung phone ko. "Alam mo pakelamero ka..." Inirapan ko siya. Tinignan ko kung ano yung tinype niya dun.

Naku Myrin, sori ...Nauna na ako ha...Derecho ka na din sa school...Pasensya na talaga...Sinundo kasi ako ni N.

PATAAAY....

I glared at him. "Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?!?"

Nag-vibrate yung phone ko. Ito na nga ba sinasabi ko e.

"Hello??"

"BESSSSS!!!!" Aray ko!! Ansakit sa tenga! Teka, parang si Shae yun ah?!

"BESSIE!!!" Si Shae nga. "Andaya mo naman eee...Ba't di mo sinabing susunduin ka niya ngayon?? Kung alam ko lang, dapat inagahan pa namin!! Waah...Andayaaa...."

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon