AYEN's POV
*plop*
*plop*
*plop*
Isa-isa kong pinutok yung mga bulang palutang-lutang sa harapan ko.
HAAAAAAAAAAAAAAAAY...........
Nilapit ko yung mga bula saken...Nag-scoop ako sa palad ko tapos nag-blow ulit ako ng bubbles...Palutang-lutang nanaman sila sa ere. Tinitignan ko lang. Yung iba nilaro ko sa mga daliri ko hanggang sa pumutok lang din tulad nung iba.
Kadalasan, shower lang talaga ginagawa ko pero ngayon mas gusto kong maglublob sa bathtub. Buti nga 'di kumulo 'tong tubig sa init ng ulo ko e. Pakiramdam ko buong katawan ko yung umiinit e. HAY!
FLASHBACK
"Sino ba yan?" Nagulat na lang ako nung hawak na ni Shae yung phone ko. Napatakip siya ng bibig. "WAAAAAAAAAAAAH... kelan pa kayo naging ganito ka-close,bes,HA??"
"Ay Shae ha! Wag ka nga ding mambwiset dyan!"
"Ano bang sabe?" usisa ni Lay.
"Ang sabi ba naman kase.... See you tomorrow..." Tapos tumingin pa muna saken ng kakaiba. "...Ayen."
Bago ko pa mapigilan si Shae, nasabi na niya agad. HAYNAKOOO.... At lahat sila ngayon...all eyes saken...
"O...o...ano yang mga tinging yan ha??"
"AYEN daaaw???
" At kelangan sabay-sabay pa talaga sila??
Nilayo ko na lang sa kanila yung tingin ko. "Ay nako, excuse meeeee.... Wag niyo nga kong tignan ng ganyan. Di ko alam pano nalaman ng mokong na yun! FEELINGERO!! KAPAL!!"
Psh...at talagang ayaw pa talaga ako tantanan ng tingin ng mga 'to??
"Oy ano ba...alis na nga tayo...."
Ay talaga naman o. Talagang iniintriga ba nila ako ha?? Hay nako...sabihin ko kaya sa mga 'to na 'pag ayaw pa nila akong tantanan e di na kami tutuloy??
*message tone*
Dun naman nabaling yung atensyon ng lahat ngayon...
Pero this time, hindi na akin yun...
...kay Aeris na.
Bakit kaya bigla siyang napasimangot?
"O baket?" tanong ni Eliah.
"Si kuya...sabay daw kami uuwi ngayon..."
"Ha?? Akala ko ba---" Halatang iritado si Eliah.
"Sorry talaga...siguro babawi na lang ako bukas...kelangan ko na talaga umalis e...Sorry talaga..."
"Haay...halika na...samahan na nga kita...ikaw Lay?"
Umiling si Lay.
Nagba-bye na sila samin.
"Apat na lang tayo...sayang naman..." Mukhang nalungkot din si Lay.
"Hala edi bukas na lang natin ituloy para kumpleto..." sabi ni Myrin.
"Ay ganun?" Ay nako...talaga 'tong si Shae.
"O sige na...take out na nga lang tayo para saten...parang taste-test para isuggest dun sa tatlo...Tingin nyo?"
Naku si Shae parang bata...tuwang-tuwa nung sabihin yun ni Myrin e. Bigla ba namang puluputan si Lay sa sobrang tuwa niya. "Dali Lay...bonding muna tayong apat...aba, first time ka naming makakasabay pauwi a..."
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Fiksi RemajaDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...