Chapter 28 Part 1

19 0 0
                                    

N's POV

"Uy, ano na???"

Halatang mas lalo nang 'di mapakali 'tong si Ayen e.

Kanina lang, pinagpapa-palo niya pa lalo yung salamin kasi may dumaan daw na kaibigan niya. Sabi ko imposible yun, kasi 'di naman basta-basta nakakapasok dito. Tsaka sabi ko pa nga, kahit ano pang ingay gawin niya, 'di naman siya maririnig nun e. Ang sabi niya naman saken, hindi daw yun basta-basta, kasi yun pa nga daw yung unang nagpasok sa kanya dito sa Admin. Tapos napansin ko na lang na bigla na lang siyang natigilan. Nung tanungin ko kung bakit, sabi niya parang tumingin pa daw sa kanya yung kaibigan niya bago naglakad paalis. Sabi ko tuloy, pa'no mangyayari yun e 'di naman kami kita dito sa loob. Ayan tuloy parang batang 'di malaman kung anong gagawin.

"Uy...ano na ba kasiiii??"

"Weird. I just don’t--- Each time I try to gain access, it changes..."

"Akala ko ba kaya mong pasukin system nila?!?"

"I could..." Inalis ko yung tingin ko sa phone ko at tumingin na sa kanya. "before... but this isn't the same..."

"Anooo???" She looked worried. "E pa'no na 'yan??" Napaupo na tuloy siya, nakakunot yung noo sa kakaisip. Napayakap na siya sa mga binti niya sabay patong ng baba niya sa mga tuhod niya.

Napailing na lang ako tapos bumalik na ako sa pagta-try ulit. Weird talaga. Sabi ko nga... iba na 'to. Pero kelan pa? At, bakit?? This really is way advanced than before. Hindi pwede 'to... unless... may bago silang IT staff na mas magaling kesa saken...

Imposible.

Kainis! Ba't 'di ko kayang pasukin?!? Para niya akong pinasok sa maze.

Asaaar! Ba't ayaw?!? I'm starting to lose my cool. Hinde... It's not like me to be like this. Kaya ko 'to... Kaya kong pasukin lahat ng system, kahit gaano pa ka-kumplikado...Wala naman pwedeng---

Natigilan ako.

Imposible naman sigurong si---

Napailing ako.

No. He can't possibly be ---Why would---

T-teka... Ako lang ba? O parang lumamig lalo yung aircon? Teka lang…ba’t parang...parang nanlalabo yung paningin ko??…

Lumingon ako sa kanya. “Aye---”  Huh?

Why does she have that alarmed look on her face?

Lalapitan ko sana siya pero…

“N! N!!! ”

…dumilim na yung paligid ko.

AYEN's POV

Sinalo ko siya nung natumba siya kanina. Nagulat talaga ako.

"Huy, N..."  Tinapik-tapik ko siya... pero wala...

Ano'ng nangyari?? Ba't bigla na lang siyang nawalan ng malay??

Inayos ko yung posisyon namin. Halos mapahiga na din ako kanina nung saluin ko siya. Inihiga ko yung ulo niya sa mga hita ko. Naka-jogging pants naman ako kaya okey lang.

Hala, ba’t ang init niya???

Hinawakan ko din yung leeg at mga braso niya. Naku... sobrang init... Ano'ng gagawin ko?? Hindi. Tekaaaa… Kelangang ‘wag mag-panic. Kelangan kong intindihin yung sitwasyon para maka-decide ako ng maayos.

.

.

.

Una, hindi kami makalabas...

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon