N's POV
Gising na kaya yun? Ba't 'di siya sumasagot sa tawag ko? Dapat mga ganitong oras lumalabas na siya ng pinto niya e.
I stopped by her door.
Hihintayin ko na lang ba siya o...
30 seconds...
1 minute...
1 and a half...
Antagal. Papasok na nga lang ako.
*swoosh*
My gaze went straight to where the arrow came from.
*eye contact*
"So ganyan ka na bumati ngayon ng good morning?"
Feeling ko 'di pa din siya maka-get over sa presence ko ngayon sa room niya. "A-anong ginagawa mo dito??"
"Dinaanan ka, kase sabay tayong pupunta sa Phoenix Dome, as usual."
"Ha? Oo nga---Teka! Hindi ah. Diba sabi mo may sched ka ngayon kaya nga sabi mo hahabol ka na lang??"
"Pina-resched ko tomorrow. Alanganin e. Baka by lunch time tapos na yung final event tapos awarding na lang yung maabutan ko. By the way, pwedeng paki baba na 'yan?"
Pa'no ba naman... Diba nga kanina, the VERY moment I stepped into her room, an arrow passed by me! Kung 'di yun malapitan, baka akalain ko pang kung ano yung sobrang bilis na bagay na yun, but I saw it, vividly. That was just inches away from my face AT eye level pa ha! Imaginine niyo na lang kung gaano kalapit yun! Tapos, sabi ko nga, tumingin agad ako sa direksyon kung sa'an galing yun at pagkatamang-pagkatama ng mga mata namin, may naka-anchor na ulit na arrow sa pana niya. I was amazed... sa reflexes niya, but not to the fact na saken nakatutok yun.
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...