JUDIE’S POV
Gosh… Ang galing talaga ni N o! Di talaga sayang palagi effort ko sa kanya kasi yung work of art ko nagagawa niyang masterpiece e. Waaah…excited na akong mapanood si Mar--- este si Hayna… Grabeee… Aatakihin ata ako sa puso e… Masyado akong nae-excite…
Pagkabukas na pagkabukas ko nung pinto nung secret room, excited pa ‘kong sumigaw. “Hayna!!! It’s your turn naaaa!!!”
Woah! Anong meron?? When she turned around to face me, para akong may kakaibang naramdaman. Kakaiba yung aura niya. Iba, as in IBA, dun sa Marienne na kasama ko kanina…
Nilapitan ko siya. “Huy, masyado ka bang na-shock dun sa nakita mo?? Ano ka ba, girl… Sure akong kakabugin mo lang din ‘to…”
My gosh…di ako sinasagot?? Anyare?? Napipi na ba siya?? Kinuha ko na lang yung cloak niya. Kelangang nakatakip muna siya para ma-surprise talaga sila mamaya.
Nung naiayos ko na sa kanya yun... Wow.
Speechless ako.
Napailang lunok pa kamo ako bago ako tuluyang nakapagsalita. Since glittery black yung cloak, ang ganda ng effect sa kanya. As in! “Ah Mar --- este Hayna… Mauuna akong maglakad pero stay close behind me ha…” Tinanguan niya lang ako. Haay… “O tara na…”
Aalalayan ko sana siyang tumayo but I was so awazed when she stood gracefully in front of me. Wow lang. Di madaling dalhin yung wig at costume niya ha, pero wala siyang ka-effort effort…
Napatango ako ng ilang ulit. “Very good…very good…” Pinigilan ko na yung sarili ko nung mapansin kong ‘di pa pala ako tumitigil sa pagtango. “Aaah… Halika na…” I started to walk towards the door habang nililingon-lingon ko siya. Nakasunod naman siya saken.
Grabe anlapit lang ng set pero parang ang tagal naming naglalakad sa hallway.
Nakarating na kami sa may dulo ng hallway. Kausap ni Direk si N kaya nakatalikod sila sa direction na lalabasan namin. Yung mga staff naman, di magka-ugaga sa pag-aayos ng gamit. Yung iba nagbubulungan. Weh. Alam ko na yan...mga 'di na 'yan makapaghintay sa paglabas ng dyosa...Answerte nila ha, dalawa pa makikita nila. WAHAHAHAHA!!!
Bumaling na ulit ako kay Marienne, na kanina pa walang imik. "O Mar---este Hayna...nu ba yaaaan...Dapat talaga sanayin ko na sarili ko na Hayna itawag sa'yo e...Pag nabuking tayo, patay ako kay N..." Ay talaga lang...Grabeee...Titigan lang ba ang beauty ko?? "Huy, Hayna...Okey ka lang? Pwede namang magsalita, hindi bawal..."
Inangat niya yung mukha niya and when our eyes met... Brrrrr. Bigla akong nilamig. Pero hindi naman ako kinilabutan. Kakaiba lang kasi talaga yung aura niya...parang mysterious na... basta! Grabe ha, 'wag mong sabihing in character na siya agad???
I shook my head several times. "Hay nakooo...basta ha...dyan ka muna...mauuna muna ako...then 'pag tinawag kita, saka ka lumabas...Grand entrance kung baga...Okey??"
Haay...inangat ko na lang yung kamay ko at tinapat sa mukha ko tapos yun yung kinausap ko. "Oo nga e...sabi ko nga e no..." Napailing na lang ako ulit bago ako naglakad paalis…kasi naman no reaction pa din siya. T__T
Aba namaaan...all eyes ha...as in ALL eyes sila saken...Asus. Nagbulungan pa...kala naman di ko rinig.
"O asan na?? Akala ko ba kasama niya??"
"Oo nga e...asan na ba??"
Sa loob-loob ko, pinipigilan ko lang yung tawa ko e.. I love this. Suspeeeense...hehehe... Wait lang kasi...'Syadong atat e..
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...